• Home
  • Fresh Scoops
  • Elaine Duran, tumaas raw ang rates sa mga gig mula nang maging finalist ng Tawag Ng Tanghalan

Elaine Duran, tumaas raw ang rates sa mga gig mula nang maging finalist ng Tawag Ng Tanghalan

Ayon sa Tawag Ng Tanghalan finalist na si Elaine Duran, dumami at tumaas na rin ang rates niya sa mga gigs dahil sa pagkabilang niya sa finalists ng kumpetisyon.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/25/2019 12:38 PM
Elaine Duran, tumaas raw ang rates sa mga gig mula nang maging finalist ng Tawag Ng Tanghalan


Kasama ang mga kapwa finalists sa Tawag Ng Tanghalan, humarap sa press si Elaine Duran nitong Lunes, Setyembre 23, at ibinahagi ang mga pagbabagong nangyari sa kaniya mula nang sumali siya sa kumpetisyon.

"Ang dami na po talagang nangyari. Dati hindi ka po napapansin pero ngayon napapansin ka na. Marami na rin [akong] gigs, marami nang kumukuha [sa akin]. And of course, tumataas din yung rate mo as a performer, yun din naman ang maganda," kuwento ng contender mula sa Butuan City.

Isa si Elaine sa mga grand finalist ng naturang singing competition sa noontime show na It's Showtime. Lalaban sa 'Huling Tapatan' ang mga finalists sa Sabado, September 28.

Kung sakaling tanghaling grand winner, nakatakdang magbigay raw si Elaine ng donasyon sa kaniyang simbahan.

"Nung nanalo po [kasi] ako nung sa Daily (rounds) at Semi-finals, yung nalikom ko po doon, nag-donate po ako sa church po namin," kuwento ni Elaine.

Umani ng papuri si Elaine sa mga hurado dahil sa kamangha-manghang performance niya nitong Lunes sa unang araw ng Grand Finals. Ayon pa sa huradong si Louie Ocampo, "best song cover ever" ang pagkanta niya ng “Basang Basa Sa Ulan” ng Aegis.

READ: Kilalanin ang Tawag ng Tanghalan contestant na si Elaine Duran

Hindi ito ang unang beses na napamangha ni Elaine ang mga hurado at netizens. Noong nakaraang taon, nag-trending din ang kaniyang rendition ng kantang “Someday” ni Nina.

READ: “Tawag Ng Tanghalan” finalist Mariko Ledesma nag-back out sa kompetisyon

READ ALSO: ‘Tawag Ng Tanghalan’ finalist John Mark Saga, inaming nakakatanggap ng body-shaming comments sa social media

Samantala, tulad nang ilang Tawag finalists, ibinahagi rin ni Elaine ang ilang bashing na natatanggap niya sa social media.

"Siguro more on sa mukha ko dati kasi talagang severe yung acne ko dati. [Tapos] siguro yung style ko as a singer, sinasabi nila copycat ako sa ganitong artists.

"So ang ginagawa na lang ng supporters ko lalo na ang family ko, pine-prevent na lang nila ako na magbasa sa social media kasi honestly ako as a person, I'm not very strong enough na mag-handle ng ano," paliwanag ni Elaine.