• Home
  • Fresh Scoops
  • Awra Briguela, may payo sa kanyang followers matapos manakawan ng cellphone

Awra Briguela, may payo sa kanyang followers matapos manakawan ng cellphone

Sa Instagram post nitong Lunes, ikinwento ni Awra Briguela kung paano siya di umano nabiktima ng isang babaeng hinihinalang nagnakaw ng kanyang cellphone sa naganap na Trendsetter Bazaar sa World Trade Center sa Pasay nitong Sabado.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/25/2019 12:52 PM
Awra Briguela, may payo sa kanyang followers matapos manakawan ng cellphone


Photo credit: @awrabriguela IG

"Sa panahon ngayon, wala ng sinasanto ang mga magnanakaw!"

Ito ang naging mensahe ni Awra Briguela sa kanyang followers matapos manakawan ng cellphone sa isang event nitong nakaraang linggo. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🙂

A post shared by Awra Briguela (@awrabriguela) on

 

Sa Instagram post nitong Lunes, ikinuwento ng Kapamilya star kung paano siya di umano nabiktima ng isang babaeng hinihinalang nagnakaw ng kanyang cellphone sa naganap na Trendsetter Bazaar sa World Trade Center sa Pasay nitong Sabado.

Ani Awra, "May babaeng akala namin assistant sa isang store kasi ina-assist niya talaga kami. Tapos sabi niya sa ate ko na dun ilagay bag namin and other stuff para hindi hassle since super siksikan and madaming tao."

"Pinapasukat niya 'ko ng mga damit na pinipili ko, tapos sabi niya 'yung paper bag na laman ay cases ng phone, power bank, at phone ko mismo, ilagay na lang daw sa bag ng ate ko. So ako, sige. Tapos bigla siyang nagpaalam sa akin. Akala ko inutusan siya or what tapos 'di ko namalayan nawala na pala phone ko."

Dagdag ng FPJ's Ang Probinsyano star, mula 5 ng hapon hanggang 8 ng gabi siyang nag-ikot sa venue upang hanapin ang nasabing babae kasama ilang guwardya, habang ang kanyang nakakatandang kapatid naman ay nag-aabang sa exit "in case na mamukhaan niya at mapa-hold namin."

Ngunit patuloy niya, "Hindi talaga namin nakita. Nagpa-review din kami ng CCTV sa World Trade pero wala, hindi kita sa CCTV 'yung shop kung saan nangyari ang lahat. Tinry naming tawagan and all pero nakapatay na 'yung phone."

Ayon kay Awra, nagulat na lamang sila ng may nakitang damit sa basurahan na kaparehas ng kulay ng suot ng babaeng hinihinalang nagnakaw ng kanyang cellphone.

"Meaning nagpalit siya ng damit [and] planado lahat. Tapos sinasabi ng mga tindero and tindera na akala nila kasama namin. Ang akala naman namin ng ate ko, assistant 'yun dun sa store," aniya.

"Nakakalungkot lang kasi first time mangyari [sa akin] 'to. Sobrang daming importanteng bagay 'yung nakalagay sa phone ko. I feel bad kasi hindi kami nag-ingat at nag-tiwala kami agad pero okay na 'yung cellphone lang 'yung nakuha at walang masamang nangyari sa amin ng ate ko. Hanggang ngayon, may hope pa rin ako na mababawi ko phone ko at ayokong mawalan ng pag-asa," dagdag pa niya.

Nagbigay naman ng mensahe si Awra para sa hinihinalang nagnakaw ng kanyang cellphone.

Aniya, "Ate, may itsura ka pa naman. Sayang ka kung patuloy mong gagawin 'yan. Sana 'wag mong sayangin ang buhay mo para lang sa mga bagay na gusto mo pero hindi mo makuha sa magandang paraan. I know mababasa mo 'to at sana makunsensiya ka! Kung hindi mo man maibabalik 'yung phone ko, I'm pretty sure na may BAD KARMA na darating sa 'yo!" 

"Again, sana maisip mo na pinaghirapan at pinagpaguran ko 'yang phone na 'yan! Para lang mobile ko 'yan kasi dream phone ko 'yan, tapos kukunin mo lang nang ganon ganon? Sana ate 'pag may gusto kang bagay, pagtrabahuhan mo! Hindi 'yung umaasa ka sa nakaw. Ate, wala na akong ibang masasabi pa kasi nangyari na. God bless na lang sa 'yo."

Para naman sa kanyang mga followers, payo ni Awra: "'Wag na 'wag kayong basta basta nagtiwalaya gaya ng maling ginawa ko... Wala na din sa itsura ngayon kung mukhang magnanakaw ba o hindi! Kasi 'yung babaeng nagnakaw ng phone ko may itsura, naka-rebond at brace! So wala sa mukha niya na magnanakaw siya. Kaya, guys, sana lagi kayong maging alerto sa lahat ng orqas! I hope maging aral din 'to sa akin at sa inyo."