• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Tawag Ng Tanghalan’ finalist John Mark Saga, inaming nakakatanggap ng body-shaming comments sa social media

‘Tawag Ng Tanghalan’ finalist John Mark Saga, inaming nakakatanggap ng body-shaming comments sa social media

Nagbigay rin ng payo si John Mark Saga kung paano dapat inaalagaan ang boses ng isang singer.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/24/2019 4:59 PM
‘Tawag Ng Tanghalan’ finalist John Mark Saga, inaming nakakatanggap ng body-shaming comments sa social media


Naging bukas ang Tawag ng Tanghalan finalist na si John Mark Saga tungkol sa bashing na natatanggap online. Ayon sa singer, madalas na pinupuntirya ng mga bashers ang kaniyang katawan.

"I think it's very important to know yourself and mag-focus ka more sa positive side, sa mga taong nagmamahal o mga nag-aapreciate for who you are. Kasi if you give yourself time sa negativity, personally ako rin yung magsa-suffer," paliwanag ni John Mark sa naganap na press conference ng Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan nitong Lunes, September 23.

Naging mainit kamakailan ang online bashing sa mga TNT finalists. Isa sa kanila, si Mariko Ledesma ay nagdesisyong umatras na sa kumpetisyon nitong Lunes din dahil sa depresyong dulot ng mga natatanggap na hate comments.

READ: “Tawag Ng Tanghalan” finalist Mariko Ledesma nag-back out sa kompetisyon

Samantala sa parehong interview din ng press ay nag-iwan si John Mark ng ilang payo tungkol sa tamang pag-aalaga ng boses. Ayon sa kaniya, ang pinakamagpapaalaga sa boses ng isang singer ay ang tamang technique sa pagkanta.

"You have to know the proper and correct techniques na para mag-survive talaga in the long run 'yung boses mo. And siyempre you have to avoid po yung mga bagay na makakapag-damage ng lalamunan mo," sabi niya. 

Aabangan sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan sa Sabado ang huling tapatan ng 12 finalists na sina Elaine Duran, Ranillo Enriquez, John Mark Saga, JM Dela Cerna, Charizze Arnigo, Jonas Oñate, Violate Bayawa, Julius Cawaling, Rafaello Cañedo, Shaina Mae Allaga, Jermaine Apil, at Kim Nemenzo.