Patricia Javier sasabak muli sa beauty pageant

Todo na ang paghahanda ng former actress at businesswoman na si Patricia Javier, o Genesis Canlapan-Walcher sa tunay na buhay, para sa panibagong beauty pageant na kanyang sasalihan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/24/2019 2:00 PM
Patricia Javier sasabak muli sa beauty pageant


Photo credit: @patriciajavier1 IG

Todo na ang paghahanda ng former actress at businesswoman na si Patricia Javier, o Genesis Canlapan-Walcher sa tunay na buhay, para sa panibagong beauty pageant na kanyang sasalihan.

 

 

Sa naging panayam kay Patricia, masaya niyang ibinahagi ang kanyang muling pagsabak sa isang international beauty pageant na gaganapin sa bansa.

“Lalaban po tayo sa Novel Queen of the Universe. It’s an international pageant po na first time na gagawin dito sa Pilipinas, at ako po ay masaya dahil sa Manila po ito gagawin,” sabi pa ni Patricia.

Sa kasalukuyan, si Patricia Javier ang reigning Mrs. Universe. Dahil dito pinili siya ng organizer ng Mrs. Universe para maging kinatawan ng Pilipinas sa Novel Queen of the Universe na ang pangunahing adbokasiya ay edukasyon para sa mga kababaihan.

“Sabi nga po nila, hindi dapat tayo tumigil kasi kung hindi man tayo manalo sa unang pageant, e malay niyo naman itong pageant na ito dito naman po tayo manalo,” kuwento pa niya.

At sa kanyang edad ngayon, nasipan rin maging inspirasyon ng dating aktres sa mga ina na katulad niya na alagaan at mahalin ang kanilang sarili.

“Kahit sabihin natin na nagka edad tayo dapat talaga hindi natin pinababayaan ang ating sarili. Dapat po mas lalo natin alagaan ang ating sarili na para po sa ating mga anak at hindi porke mga mommy na tayo, wala na tayong pakiaalam. At dapat yung identity natin huwag po natin alisin yun sa ating mga sarili,” pahayag pa niya.

Sa darating na November, inaasahan na darating sa Pilipinas ang mga kandidata na lalaban sa Novel Queen of the Universe.