• Home
  • Fresh Scoops
  • Moira dela Torre at Jason Marvin, may plano na nga bang bumuo ng sariling pamilya?

Moira dela Torre at Jason Marvin, may plano na nga bang bumuo ng sariling pamilya?

Matapos ang kanyang matagumpay na ‘Braver’ concert, naghahanda muli ngayon ang singer na si Moira dela Torre bilang isa sa mga tampok na highlight acts sa inaabangang music festival na ‘HUEniverse’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/24/2019 1:00 PM
Moira dela Torre at Jason Marvin, may plano na nga bang bumuo ng sariling pamilya?


Photo credit: @moirarachelle IG

Matapos ang kanyang matagumpay na ‘Braver’ concert, naghahanda muli ngayon ang singer na si Moira dela Torre bilang isa sa mga tampok na highlight acts sa inaabangang music festival na ‘HUEniverse’.

 

 

Pinangungunahan ng aktor at direktor na si John Prats, makakasama ng ‘Tadhana’ hitmaker sa concert ang ilan sa mga pinaka-sikat na singer at banda sa Pilipinas, katulad na lamang ng Agsunta, ALLMO$T, The Randsom Collective, at Autotelic.

Sa naganap na blog conference kung saan pormal siyang pinakilala bilang “missing star” sa nasabing show, ibinahagi ni Moira na kasama niyang tutugtog sa stage ang asawa at kapwa niya singer na si Jason Marvin bilang kanyang sariling guitarist.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

forever and always, my home ♥️

A post shared by Moira Dela Torre (@moirarachelle) on

 

Nang pag-usapan ang kanilang buhay asawa, inamin ng manga-awit na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na biniyayaan siya ng isang katulad ni Jason.

“He is the most amazing human being alive. Minsan, tinitignan ko siya tapos hindi ko talaga… it doesn’t make sense kung paano ako na bless with someone like him. He’s so patient. There are so many… overflow talaga, eh,” aniya.

Samantala, ibinahagi ni Moira na isa sa mga nakakahiligan niya ngayon ang paga-aral na magluto ng iba’t ibang putahe para kay Jason.

“Recently, gustong gusto kong nagle-learn ng dishes. Natuto akong mag-beef steak tapos nadagdagan na ‘yung repertoire ko sa kitchen. Beef steak, adobo, tapos kagabi, giniling. Oh my gosh, ang sarap kong magluto,” patawang sabi ni Moira.

“’Yung asawa ko naman, kung masarap akong magluto sa kanya, okay na ‘yun. I don’t need anyone else’s approval. But, it’s just so nice to see him happy and busog,” dagdag pa niya.

Sa usapin naman ng pagkakaroon ng sarili nilang pamilya, nilinaw ni Moira na hindi sila nagmamadali ni Jason na magkaanak.

Aniya, “Siguro mga three years pa. Enjoy muna kasi kapag nagkababy ka na, ‘yun na ‘yun, eh. It’s the end of a lifetime that you’re so familiar with. It’s going to be a beginning of life that you’ve never known before so I think we can wait.

“I’m constantly naman going to my OB-GYN. Chinecheck nila ‘yung eggs ko, ganon. Kasi iba iba naman ‘yan, eh. ‘Yung iba, nagkaka-baby, 40 na. ‘Yung iba, 28 pa lang hindi na pwede. So I’m constantly naman checking up with my health. We definitely want to have kids but not anytime soon… And I know that when the right time comes, I will be ready.”

Gaganapin ang ‘HUEniverse’ sa Filinvest City Events Grounds sa Muntinlupa sa Setyembre 28.