• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera, nag-react sa pagiging ‘most followed kids’ sa social media ng kanyang mga anak

Marian Rivera, nag-react sa pagiging ‘most followed kids’ sa social media ng kanyang mga anak

Marian Rivera, pinapababayaan na sa anak ni Zia kung ano ang gagawing endorsements nito.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/24/2019 1:16 PM
Marian Rivera, nag-react sa pagiging ‘most followed kids’ sa social media ng kanyang mga anak


Photo credit: @marianrivera IG

Umalis na ng Pilipinas si Dingdong Dantes papuntang Germany para sumali sa BMW Berlin Marathon 2019 na gaganapin sa September 29 sa Berlin. Aminado si Marian Rivera na nalungkot siya sa pag-alis ng asawa pero happy rin naman daw siya at the same time dahil alam niyang gusto talaga itong gawin ng kanyang husband.

“Basta sabi ko lang sa kanya, mag-iingat siya at palagi niyang tatandaan na tatlo kaming naghihintay sa Pilipinas. So, kailangang i-enjoy niya ro’n, at the same time, umuwi siyang safe,” bilin niya kay Dingdong.

“Ipagdadasal namin siya, siyempre. I-enjoy niya ‘yun, kasi talagang pangarap niya ‘yun, eh. ‘Yung journey na ‘yun, gusto ko siyang suportahan,” dagdag pa ni Marian.

Gustuhin man daw niyang samahan si Dingdong sa Germany ay hindi naman pupuwede dahil meron siyang inaalagaang baby – si Ziggy.

“Sabi ko nga, wrong timing, kasi may 5 months (baby) kami, tapos siyempre, ang layo, bitbit ko ‘yung dalawa, so, ang hirap,” reaksyon niya.

Hindi ba siya kinakabahan para sa asawa?

Sagot ni Marian, “Kaya niya ‘yun, kilala ko naman ‘yun, kaya niya ‘yun. Hindi papasok sa isang bagay ‘yan nang hindi niya kaya.”

Ayon kay Marian, more than two weeks mawawala si Dingdong sa Pinas.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Marian tungkol sa pagiging “most followed kids” sa social media ng kanyang dalawang anak na sina Zia and Ziggy.

“Naku, nakakatuwa. Sabi ko nga, maraming salamat sa nagmamahal sa mga anak ko, di ba? Nakakatuwa kasi kahit ako rin, eh, aliw na aliw ako sa mga anak ko,” masaya niyang pahayag.

In demand endorser pa rin hanggang ngayon si Marian kahit isa na siyang nanay. She is the face of Reverie by Beautéderm Home at malaking bagay sa mga Kapampangan ang presensya niya sa opening ng flagship store ng Beautederm sa Marquee Mall (Angeles, Pampanga) nung Miyerkules, September 18.

Eh, paano naman sila nagdedesisyon kapag ang kinukuhang endorser ay ang anak nilang si Zia?

“Bago namin tanggapin ang isang produkto, tinatanong namin siya, ‘Pwede ka ba? Gusto mo ba ‘to?’ Kasi nakakapagsalita na naman siya, eh. Nakaka-decide na siya.

“Pag sinabi niyang, ‘Yes mama, gusto ko ‘yan,’ okay, gawin natin. Pag ayaw, eh, di huwag,” pagtatapat ni Marian.