• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Molina, ramdam ang mga patutsada ng fans kay Savannah Rosales

Kim Molina, ramdam ang mga patutsada ng fans kay Savannah Rosales

Araw-araw ngayon na napapanood at kinaiisan si Kim Molina bilang si Savannah Rosales sa top rating teleserye na Kadenang Ginto.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/24/2019 1:52 PM
Kim Molina, ramdam ang mga patutsada ng fans kay Savannah Rosales


Photo credit: @kimsmolina IG

Araw-araw ngayon na napapanood at kinaiisan si Kim Molina bilang si Savannah Rosales sa top rating teleserye na Kadenang Ginto.

Dahil sa kanyang epektibong pagganap sa kanyang karakter, aminado si Kim na kinaiinisan siya ngayon ng karamihan kahit saan siya mag punta.

“Nagbakasyon po kami ng boyfriend ko sa Coron, sumakay kami ng bangka, nag-stop ang bangka pati yung katapat namin bangka nag-stop din. Pinagsisigawan ako ng nasa kabilang bangka, ‘HOY SAVANNAH!!!’ mga ganyan, puro pagmumura na pinagsasabi nila. Sabi ko na lang talaga hello!!” kuwento pa ni Kim.

Ayon pa kay Kim, dumating din sa punto na napaiyak nalang siya sa mga nababasang comments mula sa netizen.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

"Mama niaway nila ko." #KGSinadya #SavvyVSRomina #NgudngodLamesa2019 @dimplesromana

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina) on

 

“Si Ate Dimples lang talaga ang pumipigil sa akin... There was a time na nakabasa ako ng something I was in the tent nagte[taping kami ng Kadenang Ginto and all of a sudden I burst into tears,” pag amin ni Kim.

Pero ayon kay Kim, naiintindihan niya tamang mga reaksyon sa ganitong mga eksena habang ginagampanan si Savannah.

“Si Savannah Rosales ang first ko na role na kontrabida. I took it as a compliment, on a different side on what I can do as an actress.”

Kasabay ng kanyang karakter sa Kadenang Ginto bida rin ngayon si Kim sa pelikulang Jowable na ipapalabas ngayong September 25.