• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual-Claudine Barretto reunion project tuloy na; Piolo Pascual-Judy Ann Santos project, matutuloy pa nga ba?

Piolo Pascual-Claudine Barretto reunion project tuloy na; Piolo Pascual-Judy Ann Santos project, matutuloy pa nga ba?

Handa na si Piolo Pascual sa kanyang pagbabalik pelikula kasama si Claudine Barretto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/24/2019 2:07 PM
Piolo Pascual-Claudine Barretto reunion project tuloy na; Piolo Pascual-Judy Ann Santos project, matutuloy pa nga ba?


Kasado na ang nakatakdang balik pelikula ng aktor na si Piolo Pascual para sa kanyang balik tambalan kay Claudine Barretto.

Sa panayam kay Piolo, sinabi niyang plantsado na ang lahat para sa kanilang reunion movie na idi-direct ng blockbuster movie director na si Cathy Garcia Molina.

 

 

“I’m so excited, schedule na lang ang hinihintay. We have a beautiful script I’ve already spoke to direk Cathy and sina Inang (Olivia Lamasan) and I hope and pray we start sometime soon,” sabi pa ni Piolo sa panayam ng PUSH sa Friedtastic event ng Mega Sardines.

At dahil fifteen years na ang huling pelikula na ginawa nina Piolo at Claudine, ang certified box office hit na Milan, aminado ang aktor na marami na ang nagbago sa kanila ni Claudine.

“Fifteen years. Milan was 2004. We’ve grown so much and the roles that we can tackle are more broad so I’m excited with the experience that we’ve gone through individually and were both excited,” aniya pa.

At kung may reunion movie kay Claudine, hoping rin si Piolo na makasama rin si Judy Ann Santos.

READ: Judy Ann Santos, ipinaliwanag kung bakit hindi natutuloy ang proyekto nila ni Piolo Pascual

“Tagal ko na hinihintay si Juday alam nya naman yun, I hope it happens before our hair is old and gray kalahati ng ulo ko gray na, sana bago kami maging lolo at lola makagawa kami ng pelikula,” pahayag pa ng aktor.