• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Aquino, sinabing mahirap gampanan ang role ng isang bingi

Carlo Aquino, sinabing mahirap gampanan ang role ng isang bingi

Carlo Aquino at Maine Mendoza, masaya sa mainit na pagtanggap ng netizens sa teaser ng ‘Isa Pa With Feelings.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/24/2019 3:09 PM
Carlo Aquino, sinabing mahirap gampanan ang role ng isang bingi


Sa ulat mula sa TV Patrol, di maitago nina Isa Pa With Feelings stars Maine Mendoza at Carlo Aquino ang kanilang saya matapos ang mainit na pagtanggap ng mga netizens sa teaser ng parehong pelikulang pagsasamahan nila. “Nakakatuwa kasi kahit yung mga casual viewer, na-appreciate sila and na-intrigue sila sa story,” umpisa ni Maine.

“Sana hindi lang yung teaser ang suportahan nila. Pati yung pelikula,” sabi naman ni Carlo.

READ: Teaser of Maine, Carlo-starrer ‘Isa Pa, With Feelings’ garners 2.5M views in 24 hours

Gaganap na bingi ang character ni Carlo, habang si Maine naman ay gaganap na kapitbahay ng character ni Carlo.

READ: Carlo Aquino plays a deaf character in ‘Isa Pa, With Feelings’ teaser

Ayon kay Carlo, mahirap gampanan ang role ng isang bingi. “Mahirap siya kasi mine-memorize ko yung lines, tapos ime-memorize ko yung sign,” aniya.

“Kasi hindi ko naman talaga as in naiintindihan yung sign, pero kaya naman,” dagdag naman ni Maine.

Matapos naman ang box office success ng tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo, masaya sina Maine at Carlo sa nauusong tambalan ng mga artista mula sa iba’t ibang networks. “Sa mga projects sa ABS-(CBN) artists and sa GMA artists, mas okay na nagsasama sila para makita rin yung ibang tambalan ng mga artista,” sabi ng aktres.

Para kay Carlo, nagkakaroon din daw ng growth ang mga artista sa ganitong set-up. “Parang mas may growth e, sa mga artists. Sa mga nakakatrabaho mo, tapos may nakikilala kang bago,” ayon sa aktor.

Mapapanuod ang Isa Pa With Feelings simula October 16.