Aljon Mendoza, inaming pinagselosan si Seth Fedelin

Aljon Mendoza at Karina Bautista, ‘special friends’ na at one level away na lang sa pagiging ‘couple.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/24/2019 2:55 PM
Aljon Mendoza, inaming pinagselosan si Seth Fedelin


Photo credit: @imsethfedelin and @aljonmendozaa IG

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ng tambalang KarJon o Karina Bautista at Aljon Mendoza kung bakit nagkatampuhan sila noong papunta sila sa Laoag, Ilocos Norte para sa isang mall show. Ang totoo daw si Aljon ang hindi pumapansin noon kay Karina.

Inamin ni Aljon na may kinalaman ito kay Seth Fedelin at nagselos siya noon sa binata. “Konti lang naman po,” paglilinaw ni Aljon.

READ: EXCLUSIVE: Aljon Mendoza inaming si Karina Bautista ang PBB big winner niya

Ayon sa kwento ng dalawa, nasa gitna si Karina ng dalawang binata habang papunta sila sa Laoag. Nanunuod sina Karina at Seth ng movie noon. “Parang thriller-horror movie kasi yun, so parang may patayan so parang ang excited namin,” kuwento ni Karina.

Hindi naman daw humahawak si Karina kay Seth, pero naramdaman ni Aljon na nababalewala siya ni Karina. “Kunwari po wala akong pakiaalam, tulug-tulugan ako ganyan,” pag-amin pa ni Aljon.

Nilinaw naman ni Karina na hindi dapat magselos si Aljon dahil friends lang talaga sila ni Seth. “Wala po, walang dapat pagselosan. Sobrang friends lang po talaga kami ni Seth,” aniya.

Paano naman kaya nagkabati ang KarJon?  “Kumakain siya, hindi pa rin niya ako pinapansin. So nilapitan ko siya, tapos tumabi ako. Sabi ko sorry. Sabi niya, ikaw kasi nakakainis ka,” kwento ng dalaga.

“Pa-baby lang naman po yun,” dagdag ni Aljon.

Inamin din nila ang pagkakaroon nila ng anak na teddy bear na ang pangalan ay “KarJunior.” Nagpapalit-palitan diumano sila sa pag-aalaga kay KarJunior at ayaw ni Karina palabhan ang stuffed toy. “Nawawala yung aura nung teddy bear…kapag hindi siya nalalabhan andun yung amoy. Yung essence niya parang nandun,” paliwanag ng dalaga.

Sa love spectrum naman ng TWBA, inamin ng dalawa na sila ay “special friends” na. One level away ito sa pagiging “couple.”

READ: Nanliligaw na nga ba si Aljon Mendoza kay Karina Bautista?

Makakasama rin ang KarJon sa upcoming Kapamilya seryeng Sandugo.