• Home
  • Fresh Scoops
  • “Tawag Ng Tanghalan” finalist Mariko Ledesma nag-back out sa kompetisyon

“Tawag Ng Tanghalan” finalist Mariko Ledesma nag-back out sa kompetisyon

Nag labas ng kanyang official statement si “Tawag ng Tanghalan” finalist Mariko Ledesma kaugnay ng kanyang pag atras sa laban sa kompetisyon.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/23/2019 11:28 AM
“Tawag Ng Tanghalan” finalist Mariko Ledesma nag-back out sa kompetisyon


Nag labas ng kanyang official statement si “Tawag ng Tanghalan” finalist Mariko Ledesma kaugnay ng kanyang pag atras sa laban sa kompetisyon.

Sa kanyang Facebook, inihayag ni Mariko ang kanyang dahilan sa naging pag-urong sa laban.

Narito ang full text ng kanyang pahayag :

“Hindi ko po alam pano ko Ito uumpisahan. Pero una sa lahat nagpapasalamat ko sa mga taong nagtiwala nagmahal at nagbigay sken suporta. Hindi madali sa akin ang pag quit ko sa tnt pero mas mahihirapan po ako kung ipagpapatuloy ko pa ang laban kung ay nag sa suffer sa depression,” pag amin ni Mariko.

“Opo, Depression po. After po ng laban ko kay Mariane samu't saring pangbabatikos po ang inabot ko at masyadong personal po ang pangba bash na inabot ko. Mula pm, dm,” sabi pa niya.

Lahad ni Mariko, umabot sa punto na personal na ang kanyang mga natatangap na pambabatikos sa social media.

“At dumating pa sa point na may txt pa. Sana po itigil nyo na po ang pang na bash kc tao po kami nasasaktan at hindi nyo po alam kung anong epekto nito sa taong bina bash nyo. Nawa'y maging malawak po sana ang isip naging lahat na sa isang kompetisyon may mananalo at may matatalo. Sana patuloy nyo paring suportahan ang mga grand finalists ng TNT dahil po sila ay deserve sa kinalalagyan nila.  Salamat po sa showtime sa buong puso nilang pagtangap sa aking disisyon. Tatanawin ko pong malaking utang na loob Ito. God bless us all. Ako po si Mariko... Tao po ako,” pahayag pa ni Mariko.