• Home
  • Fresh Scoops
  • Moira dela Torre, minsan nang napagkamalan ang DLSU team captain na si Andrei Caracut bilang kanyang asawa

Moira dela Torre, minsan nang napagkamalan ang DLSU team captain na si Andrei Caracut bilang kanyang asawa

Trending ang singer na si Moira dela Torre matapos magbahagi kamakailan ng isang nakakatawang insidente kaugnay ng kanyang asawang si Jason Marvin at De La Salle University captain na si Andrei Caracut.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/23/2019 4:52 PM
Moira dela Torre, minsan nang napagkamalan ang DLSU team captain na si Andrei Caracut bilang kanyang asawa


Photo credit: @ jasonmarvinph and @andreicaracut on Instagram

Trending ang singer na si Moira dela Torre matapos magbahagi kamakailan ng isang nakakatawang insidente kaugnay ng kanyang asawang si Jason Marvin at De La Salle University captain na si Andrei Caracut.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Home!

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @andreicaracut on

 

Kasabay ng pagkapanalo ng Green Archers sa men’s basketball tournament ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82, usap-usapan ang ‘Ikaw At Ako’ hitmaker nang ibunyag na minsan na niyang napagkamalan ang nasabing basketball star bilang si Jason habang kumakain noon sa isang buffet restaurant.

“OMG. Ito yung nayakap ko sa buffet. Akala ko si Jason, pagtingin ko sa kaliwa ko, andun si Jason tawang tawa sa gilid...” ani Moira sa kanyang viral tweet nitong Lunes.

“Pagtingin ko ibang tao. Gulong gulo din siya ta’s basketball player pala,” dagdag niya.

 

 

Agad namang sumagot si Andrei at inaming “namula po ako nun sa hiya”.

MOIRA DELA TORRE MISTAKENLY HUGGED DLSU TEAM CAPTAIN ANDREI CARACUT

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

This smile — JUST FOR YOU! 😉 © Kuya @lawrenceperreras

A post shared by @ andreicaracut on

 

Samantala, sa nasabing tournament, nagwagi ang DLSU Green Archers laban sa Adamson Soaring Falcons, sa score na 68-61. Ginanap ang laro noong Sabado ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.