• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu, patuloy ang suporta sa mga young local fashion designers

Kim Chiu, patuloy ang suporta sa mga young local fashion designers

Dalawang linggo matapos ang ABS-CBN Ball, tila di pa din natatapos pag-usapan ang gown na isinuot ng aktres na si Kim Chiu.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/23/2019 4:55 PM
Kim Chiu, patuloy ang suporta sa mga young local fashion designers


Photo credit: @chinitaprincess IG

Dalawang linggo matapos ang ABS-CBN Ball, tila di pa din natatapos pag-usapan ang gown na isinuot ng aktres na si Kim Chiu. Kalat pa din kasi sa social media ang ilang memes na pinagkatuwaan ang gown na gawa ni Benj Leguiab. 

Sa kanyang latest YouTube vlog, ikinwento ni Kim kung paano niya nakatrabaho ang baguhang young fashion designer para sa ball. Dito sinabi din ni Kim na nakaramdam siya ng pressure sa pagpili ng disenyo ng kanyang gown. Siguro ay dahil din yearly ay napapasama ang Kapamilya star sa mga Best Dressed list at nabibigyan pa ng awards sa kanyang 13 years na pag-attend ng special event na ito. 

Sa tulong ng kanyang stylist na si Adrianne Concepcion, nahanap nila ang Kapampangan designer na si Benj, with less than a month to the ball. Nagkataon na noong araw na tinawagan nila si Benj ay nasa Manila ito at nakipagkita ito agad sa kanila. Tinawag na 'Traje de Magdalena,' heavily beaded and hand embroidered ang gown ni Kim. 

Next year siguradong paka-aabangan na naman si Kim at ang kanyang pasabog na look para sa ABS-CBN Ball. Siguradong marami pa rin ang mabibighani sa kanyang fashion-forward looks taon-taon.