• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Jowable’ advanced screening, dinumog at pinag-usapan ng mga estudyante

‘Jowable’ advanced screening, dinumog at pinag-usapan ng mga estudyante

Pinag-usapan nang husto at trending sa social media ang ginanap na advanced screening ng pelikulang Jowable ng Viva Films na pinagbibidahan ni Kim Molina nung September 21.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/23/2019 8:23 AM
‘Jowable’ advanced screening, dinumog at pinag-usapan ng mga estudyante


Pinag-usapan nang husto at trending sa social media ang ginanap na advanced screening ng pelikulang Jowable ng Viva Films na pinagbibidahan ni Kim Molina nung September 21.

Karamihan sa dumagsa sa Cine Adarna ng UP para panoorin ang Jowable ay puro mga millennials na aminadong super na-curious sa trailer at teaser ng pelikula kaya sila nagkainteres na panoorin ito.

Ang Jowable ay film adaptation mula sa isang viral short film tungkol sa rant ni  Elsa Mangahas na no boyfriend since birth at kinukuwestiyon ang Diyos kung bakit hindi pa siya nagkakadyowa.

Nanggaling  pa sa iba’t ibang colleges and universities sa Metro Manila ang mga dumayo sa UP to watch the film at ayon sa kanila ay naka-relate sila sa pelikula. Pagkatapos nilang mapanood ang pelikula ay nasagot ang kanilang tanong kung bakit pinayagan ng MTRCB ang malalaswang dialogue sa movie at kung bakit R-13 without cuts ang rating nito.

Bumuhos din sa social media ang puro positibong reviews sa Jowable using the hashtag #JowableGoestoUP. Nag-post ang mga estudyante ng kanya-kanyang reviews. Ang iba ay nagsabing “naloko” sila ng trailer dahil hindi lang daw pala komedi ang movie kundi may matinding kurot din ito sa dulo.

Pero hindi lang daw pang-millennial ang pelikula dahil even the oldies can relate to it. Tama nga si Direk Darryl when he said, “it’s more than just the trailer.”

Marami ding pumuri sa acting ni Kim na ibang-iba ang performance sa movie kumpara sa role niya bilang si Danny Girl sa Kadenang Ginto series ng ABS-CBN. The students even called Kim as the new “Hugot Queen.”

Pinuri din ng millennials ang pagiging “matapang” ng pelikula ni Direk Daryll Yap kung saan kasama rin sa cast sina Candy Pangilinan, Chad Kinis, Cacai Cortez, Kakai Bautista at Jerald Napoles.

Isang netizen naman ang nag-post ng 3 dahilan kung bakit kailangang panoorin ang Jowable.

"1. Di Sayang Pera mga Besh, Jowable is The Movie na Mix Emotion Niloko tayo ng Trailer ang Galing plus Ate @kimsmolina Deserve The Role Bagay na bagay sa kanya si Elsa Mangahas.

"2. Ipapa Realize sayo ng Jowable na may ilalaan talaga ang Diyos sayo matuto ka Lang maghintay Ganern, Wag kang atat.

"3. Madaming Learnings sa Life Hindi Lang sa Life at sa Family Worth it yung Ibabayad mo kasi Kung Entertainment lang na sa Jowable na Lahat. Congrats Ate @kimsmolina Love you Elsa pero Put*ng Ina Mo Pina-iyak ninyo kami.”

Samantala, magkakaroon ng premiere night ang Jowable ngayong Lunes (September 23) sa SM Megamall at ipapalabas ang pelikula simula September 25.