• Home
  • Fresh Scoops
  • Barbie Imperial on romantic scenes with Paulo Angeles: ‘Kini-kiss ko talaga siya, paulit-ulit talaga’

Barbie Imperial on romantic scenes with Paulo Angeles: ‘Kini-kiss ko talaga siya, paulit-ulit talaga’

Kapamilya stars Barbie Imperial at Paulo Angeles, willing gumawa ng daring projects together.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/23/2019 9:31 AM
Barbie Imperial on romantic scenes with Paulo Angeles: ‘Kini-kiss ko talaga siya, paulit-ulit talaga’


Sa special screening ng IWant series na Taiwan That You Love, isang rebelasyon nang maikwento ni Barbie Imperial ang pagkamahiyain ng co-actor niyang si Paulo Angeles. 

Kahit na daw magtropa sila, ay nahihiya ang binata sa mga scenes kung saan nagki-kiss sila. “Si Pau naiilang pa din siya kapag may mga kiss, smack… Nahihiya po talaga siya. So ang ginagawa ko kini-kiss ko talaga siya, paulit-ulit talaga,” ayon sa aktres. 

PHOTOS: Barbie Imperial, Paulo Angeles work with Taiwanese actor Stephen Rong in ‘Taiwan That I Love’

Nang tanungin naman si Paulo kung bakit siya nahihiya, sinabi nito na “shy type” at “torpe” talaga siya. “Hindi kasi ako yung type na i-kiss mo na lang agad,” umpisa ng aktor.

Malaking factor din daw yung kapag tinitingnan niya si Barbie, nakikita niya ang kaibigan niya. “Nahihiya ako kasi unang-una kaibigan ko e… yung pinagsamahan naming… Minsan nga kung magkulitan pa kami… kulang na lang magkapikunan pa kami… ‘Pag tinitingnan ko, kaibigan ko yan e,” paliwanag ni Pau. 

May chance naman kaya ang chemistry nila onscreen ay madala nila sa totoong buhay? Hindi ito direktang sinagot ng dalawa pero giniit nila na mag-tropa sila. “Sobrang tropa talaga kami nito,” ayon kay Paulo. 

“’Pag off-cam, tropa talaga kami. And feeling namin yun yung reason kung bakit nagwu-work talaga kami onscreen,” sagot naman ni Barbie. 

READ: EXCLUSIVE: Barbie Imperial, hindi pa ready ma-in love ulit

Willing naman kaya silang gumawa ng mas daring na projects? “Dahil nakagawa na po ako ng Araw Gabi, and may workshops naman… dun din siya mas nagiging okay e pag may workshops. Feeling ko kaya ko po. With Pau po lalo kasi close kami,” direktang sagot ni Barbie sa tanong. 

Hindi rin naman nagpakipot si Paulo at sinabing game din siya kung sakaling may daring project silang pagsasamahan ng co-actress. “Kaya naman kasi unang-una, G! movie di ba? Daring din naman yun, nagpakita ako dun ng pwet ko. Kaya naman e, basta mag-toothbrush lang ako…tanggap lang nang tanggap, go lang,” sabi pa ni Paulo.