Bilang isa sa mga successful celebrity vloggers sa Youtube, nagbigay si Alex Gonzaga ng kaniyang opinyon tungkol sa pagdami ng mga artistang pinapasok na rin ang mundo ng vlogging.
"As celebrity and entertainer, sometimes you really have to adapt to what the viewers want and what your audience want. I think dapat we should share our platform and we should also be happy na may mga sikat na pumupunta sa Youtube like recently I know Miss Universe Pia (Wurtzbach) is also doing a vlog," pahayag ni Alex sa interview ng press, pagkatapos ng launching ng kaniyang bagong smartphone endorsement.
Naging usap-usapan sa social media kamakailan ang patuloy na pagdami ng mga artista na sumusubok ding pumasok sa pagva-vlog sa Youtube. Isang netizen ang gumawa ng Twitter thread tungkol dito, at binigyang diin ang nagiging "agawan ng viewing counts."
Bakit halos lahat ng mga sikat na artista may YouTube channel na? I mean, hindi pa ba sapat ang kinikita niyo sa ABS at GMA? Ibigay niyo na sa mga content creators.
— Jericho Rayel Timbol (@jerichorayel) August 28, 2019
Wala naman talaga akong magagawa pero napupunta sa kanila ang views eh ang yayaman naman na nila. Hehe
Bukod kay Alex at Pia, ilan sa mga artistang pinasok na ang mundo ng Youtube ay sina Judy Ann Santos, Bianca Gonzalez, Yeng Constantino, Ella Cruz, Kristel Fulgar, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Karla Estrada, Rufa Mae Quinto, at iba pa.
Pagpapatuloy pa ni Alex, masaya naman siya sa pagiging welcoming ng ilang naunang Youtubers sa kaniya.
"Siyempre I can't speak for them, pero ako I am happy that many vloggers, the original vloggers ng Youtube are very welcoming and very appreciative and very approachable na parang they welcomed me sa Youtube world. So who am I to talk na bakit ganon diba, kasi maganda naman ang pakikitungo sa akin ng mga OG original Youtubers," ani Alex.
Kamakailan ay napili si Alex at kapwa celebrity Youtuber na si Wil Dasovich para ire-presenta ang Pilipinas para sa three-day Youtube Creator Summit.
Sa ngayon may halos 4.5 million subscribers na ang Youtube channel ni Alex.