Who is Taiwanese actor Stephen Rong?

Papagitna ang Taiwanese actor na si Stephen Rong sa tambalang Barbie Imperial at Paulo Angeles sa IWant series na ‘Taiwan That You Love.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/22/2019 2:14 PM
Who is Taiwanese actor Stephen Rong?


Sa special screening ng IWant series na Taiwan That You Love, nakilala ng press at vloggers ang Taiwanese actor na papagitna sa tambalan nina Barbie Imperial at Paulo Angeles. Ito ay walang iba kundi si Stephen Rong.

LOOK: Barbie Imperial, Paulo Angeles work with Taiwanese actor Stephen Rong in ‘Taiwan That I Love’

Si Stephen ay hindi lang isang actor. Isa rin siyang singer, song-writer, DJ, model, host, at stage actor na popular sa Taiwan.

Ayon kay Stephen, pinanganak siya at lumaki sa Virginia sa United States.

Para makuha ang role sa Taiwan That You Love ay nag-audition si Stephen. “When I found out about it, I was super excited that it was going to be a production with the Philippines. Because I think working cross-culturally is one of the things that I’ve always wanted to do,” ani Stephen.

Sa audition diumano ay kailangan niyang palabasin ang kanyang bad side para sa character. “That’s not really my personality, so I had to get in touch with that bad part of me,” kwento ni Stephen. Interesting din daw para sa kanya na kinailangan niyang matutong magsalita gamit ang “Taiwanese-English accent.”

Na-in love naman si Stephen sa Filipino crew na tinuring siyang isang kapamilya. “As a Taiwanese working with many Taiwanese crews, the Filipino crew is hands down 10 times friendlier. That was the part that made me fall in love with this crew and being here is a blessing,” aniya.

Malaking bagay din daw na mas binigyan siya ng artistic freedom ng Filipino production lalo na ng director na si Ted Boborol. “I feel more open to playing around during the Filipino production… Direk Ted, he’s more like a brother, an actual brother where you can have that freedom… Without having that weird pressure that you can’t try something else or make a mistake,” papuri ng aktor.

“I think that not having that pressure helps a lot,” dagdag pa ni Stephen.

Puno rin ng papuri si Stephen para sa mga co-actors na sina Barbie at Paulo. Kahit eight days lang daw niya nakasama sa shooting ang dalawa, pakiramdam diumano ni Stephen ay nakapag-bond sila ng maayos ng mga Filipino co-actors. Tinulungan daw siya nina Barbie at Paulo sa acting. “They are extremely easy to work with, really helpful…” sabi niya.  

Nire-remind din daw siya ni Barbie na wag ikunot ang noo kapag umaarte siya, dahil sa ito rin ang bilin ni Direk Ted kay Stephen tungkol sa kanyang acting.

Aminado rin si Stephen na nag-worry siyang mapagitna sa love team nina Barbie at Paulo lalo na’t may shippers na ang PauBie. Ayaw daw kasi niyang magalit ang fans ng dalawa sa kanya. “I knew I was coming in… that made me nervous,” sabi ng Taiwanese actor.  

EXCLUSIVE: Barbie Imperial, ipinaliwanag kung bakit di nag-click noon ang tambalan nila ni Paolo Angeles

Sa personal na panayam naman ng Push kay Stephen sinabi nitong pamparelaks niya ang paglalaro ng video games. “I play PS4… Zombie games (like) Resident Evil.”

Very close din daw si Stephen sa kanyang mom.