• Home
  • Fresh Scoops
  • PMPC inilabas na ang mga nominado sa acting category ng 33rd Star Awards for TV

PMPC inilabas na ang mga nominado sa acting category ng 33rd Star Awards for TV

‘The General’s Daughter’ cast gets the most number of acting nominations in Star Awards for TV.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/22/2019 12:25 PM
PMPC inilabas na ang mga nominado sa acting category ng 33rd Star Awards for TV


Inilabas na ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang listahan ng kanilang opisyal na mga nominado sa acting categories para sa 33rd Star Awards for Television na nakatakdang ganapin on October 13 sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University.

Para sa Best Drama Actress ay nominado sina Angel Locsin (The General's Daughter), Beauty Gonzalez (Kadenang Ginto), Bela Padilla (Mea Culpa: Sino Ang May Sala?), Dimples Romana (Kadenang Ginto), Jodi Sta. Maria (Mea Culpa: Sino Ang Maysala?), Max Collins (Bihag), Nora Aunor (Onanay), at Yasmien Kurdi (Hiram Na Anak).

Magtatapat naman sa Best Drama Actor sina Alden Richards (Victor Magtanggol), Coco Martin (FPJ’s Ang Probinsyano), Dennis Trillo (Cain At Abel), Dingdong Dantes (Cain At Abel), Jericho Rosales (Halik), JM De Guzman (Araw Gabi), Joshua Garcia (Ngayon At Kailanman) at Ronaldo Valdez (Los Bastardos).

Nominado naman for Best Drama Supporting actress sina Alice Dixson (Ngayon At Kailanman), Amy Austria (Halik), Eula Valdes (The General's Daughter), Iza Calzado (Ngayon At Kailanman), Janice De Belen (The General's Daughter), Maricel Soriano (The General's Daughter), Susan Roces (FPJ’s Ang Probinsyano) at Yassi Pressman (FPJ’s Ang Probinsyano).

For Best Drama Supporting Actor, ito ay paglalabanan naman nina Albert Martinez (The General's Daughter), Arjo Atayde (The General's Daughter), Baron Geisler (FPJ’s Ang Probinsyano), Jameson Blake (Ngayon At Kailanman), John Estrada (Kara Mia), Paulo Avelino (The General's Daughter), Tirso Cruz III (The General's Daughter), and Wendell Ramos (Onanay).

Sa kategorya ng Best Single Performance By An Actress ay matindi namang magtutunggali sina Agot Isidro (MMK-Passport), Amy Austria (MMK-Wheelchair), Irma Adlawan (MMK-Passport), Janice De Belen (MMK-Medal Of Valor), Joanna Ampil (MMK-Kadena), Mary Joy Apostol (Ipaglaban Mo-Kakampi), Shaina Magdayao (MMK-Tubig), at Yasmien Kurdi (Tadhana-Sukdulan).

For the Best Single Performance By An Actor category ay matindi rin ang laban nina Alden Richards (Eat Bulaga Lenten Special – Bulawan), Dennis Trillo (Magpakailanman-Patawad Ama Ko), Enchong Dee (MMK-Wheelchair), Jeric Gonzales (Magpakailanman-Sex Slave), Joshua Garcia (MMK-Medal Of Valor), Kiko Estrada (MMK-Kadena), Wally Bayola (Eat Bulaga Lenten Special- Bulawan), at Zaijan Jaranilla (MMK- Wheelchair).

Para naman sa Best Comedy Actor, ito ay paglalaban-labanan nina Bayani Agbayani (Home Sweetie Home: Extra Sweet), Jobert Austria (Banana Sundae), Luis Manzano (Home Sweetie Home: Extra Sweet), Michael Angelo (#Michael Angelo: The Sitcom), Michael V (Pepito Manaloto), Ryan Bang (Banana Sundae), Vhong Navarro (Home Sweetie Home: Extra Sweet) and Vic Sotto (Daddy's Gurl).

Magagaling na komedyante naman ang magtutuos sa Best Comedy Actress category. Sila ay sina Alex Gonzaga (Home Sweetie Home: Extra Sweet), Angelica Panganiban (Banana Sundae), Chariz Solomon (Bubble Gang), Maine Mendoza (Daddy's Gurl), Manilyn Reynes (Pepito Manaloto), Nova Villa (Pepito Manaloto), Pokwang (Banana Sundae), at Toni Gonzaga (Home Sweetie Home: Extra Sweet).