• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor, pinuri ang mga bagong aktor na nakasama sa pagbabalik-pelikula

Nora Aunor, pinuri ang mga bagong aktor na nakasama sa pagbabalik-pelikula

Tanging papuri ang ibinagay ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa mga bagong henerasyon ng mga bituin na kanyang nakasama sa kanyang pagbabalik-pelikula sa Isa Pang Bahaghari.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/22/2019 12:54 PM
Nora Aunor, pinuri ang mga bagong aktor na nakasama sa pagbabalik-pelikula


Kabilang na dito ang ilang Kapamilya stars tulad nina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Albie Casiño, at Maris Racal na gumanap bilang batang Nora Aunor.

Sa naging panayam kay Ate Guy sa naganap na Sine Sandaan, ibinahagi niya ang working experience niya sa mga bituin na nakasama sa bagong proyekto.

“Mababait sila at magagaling,” sabi pa ng Superstar.

Dito nagbigay update rin si Ate Guy sa ginagawang pelikula na target ipalabas ngayong darating na kapaskuhan.

“Okay na tapos na,” aniya pa.

Bukod sa pagbabalik-pelikula, masaya din ang superstar sa kanyang pagiging bahagi ng nakaraang selebrasyon ng 100-taon ng pelikulang Pilipino.

“Masaya na nagkita-kita ang mga artista, direktor, at nabigyan muli ng pagkakataon ang lahat ng mga pelikulang nagawa noong araw na masilayan muli,” sabi pa ni Nora.

Sa ngayon, nanatiling aktibo ang Superstar ng Philippine cinema sa kanyang pagiging isang aktres mapa-telebisyon man o sa pelikula.