Neri Naig, proud bilang isang ‘self-made’ businesswoman

Nilinaw ng actress-turned-businesswoman na si Neri Naig na galing sa kanyang sariling bulsa at hindi sa asawang si Chito Miranda ang kanyang ginagastos sa luho man o negosyo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/22/2019 6:34 PM
Neri Naig, proud bilang isang ‘self-made’ businesswoman


Photo credit: @mrsnerimiranda IG

Masaya at very excited ang dating aktres na si Neri Naig sa nalalapit na pagbubukas ng kanyang bagong business na Miranda's Rest House sa Tagaytay. 

 

 

Hindi lang isang simpleng rest house, ngunit nagdodoble rin bilang events place ang negosyo ni Neri na naglalaman ng apat na two-storey house, swimming pool, jacuzzi, garden, playground, tree house, half-court, picnic area, at iba pa. 

Sa Instagram nitong Biyernes, ibinahagi ni Neri na dalawang taon niyang pinaghirapan ang Miranda's Rest House, sa tulong na rin ng kanyang asawang si Chito Miranda, na kilala bilang frontman ng bandang Parokya ni Edgar. 

"Nagsimula sa pangarap. Sinundan ng sipag at tyaga, pananalig sa Diyos at sa sarili, tibay ng loob, at tamang pag iipon. Kung nakayanan ko, mas kaya niyo. 2 in the making yan pero kinaya ko. Matagal kong pinaghirapan yan, hindi lang overnight. Hindi naging madali pero lumaban. Kayang kaya mo yan," aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Miranda's Rest House, soon! Pwede siyang i-rent para sa mga special events o kahit sa mga gusto lang magpahinga sa probinsya. Malapit na malapit na pong matapos. May 4 na 2 floors na bahay po sa loob, events place na kasya ang 100 na tao, may swimming pool, jacuzzi, malaking garden, playground, tree house, half court, driver's and angels' quarters, picnic area, fire pit, at big tambayan for barkada at pamilya. Nagsimula sa pangarap. Sinundan ng sipag at tyaga, pananalig sa Diyos at sa sarili, tibay ng loob, at tamang pag iipon. Kung nakayanan ko, mas kaya nyo. 2 years in the making yan pero kinaya ko. Matagal kong pinaghirapan yan, hindi lang overnight. Hindi naging madali pero lumaban. Kayang kaya mo yan. @mirandasresthouse #WaisNaMisis #WaisKahitDiPaMisis #WaisNaMommies #VeryNeri

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

 

Marami man sa kanyang mga follower ang nagpahayag ng kanilang suporta para kay Neri, kabilang na sina Joross Gamboa at Paolo Ballesteros, may ilan din na negatibo ang naging reaksyon sa kanyang bagong achievement bilang isang negosyante.

Sa hiwalay na post nitong Sabado, hindi mapigilang sagutin ni Neri ang kanyang mga basher na nagsabing dahil lamang kay Chito kaya siya nakapagpatayo ng kanyang sariling rest house. 

Aniya, "Bakit kaya kapag may nararating ang isang babae, may karugtong na sasambitin ng iba, kase mapera ang asawa mo kaya may ganyan ka. Kadalasan sa mga kapwa babae mo mismo maririnig yan. Hindi ba pwede na kaya mo ring mag invest, mag negosyo, at tumayo sa sarili mong mga paa dahil nagtrabaho ka talaga at nakapag ipon?

"Walang imposible sa mga taong masipag at naghahanap buhay, may focus sa buhay, nag iipon, at may faith kay God at sa sarili. Regardless kung babae ka o lalaki, basta maabilidad ka kay kaya mong magsucceed sa buhay. Wala yan kung 'mapera' man ang asawa mo o kilala sa lipunan. Kung di ka marunong magtrabaho at di nag iipon, wala talaga patutunguhan kahit bigyan ka pa ng pera ng kabiyak mo. Mauubos mo rin yan.

Nilinaw ng aktres na hindi kay Chito ngunit sarili niyang pera ang kanyang ginagastos sa luho man o negosyo.  

Patuloy niya, "Hindi naging madali sa akin lahat lalo pa at wala rin akong naipundar nung nag artista ako. Nagsimula lang ako sa P3000, napalago ko siya. At 36 years old, ngayon ko palang nakikita ang mga pinaghirapan ko sa pagtitinda ng kung ano ano. Tindera ng bayan at tindera ng taon nga ako, di ba? Haha! Ayan lagi ang sinasabi sa akin at para sa akin, compliment yan. Ibig sabihin masipag ako."

Mensahe ni Neri sa kanyang mga follower, katulad niya ay hindi pa huli para kanino man na abutin at tuparin ang kanilang mga pangarap sa buhay.

"Kahit anong edad mo pa basta maabilidad ka sa malinis na paraan, makukuha mo ang mga pangarap mo. Sabi nga ni Tita Shawie, 'Unti unting mararating kalangitan at bituin. Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning.' Hehe! Ayan ang theme song ko kapag nakikita ko ang mga pinaghirapan ko. Yes, laki ako sa hirap pero hindi yun hadlang para umasenso. I embraced it at ginawang inspirasyon para umunlad sa buhay. At proud ako na hindi ako umaasa sa kung ano ang ibibigay ng asawa ko sa akin," aniya.

"Kayang kaya natin yan. Wala yan sa gender. Lalaki ka man, babae, tomboy, o bakla basta masipag ka, di ka magugutom. Partneran mo pa ng tyaga, aasenso ka sa buhay," dagdag niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bakit kaya kapag may nararating ang isang babae, may karugtong na sasambitin ng iba, kase mapera ang asawa mo kaya may ganyan ka. Kadalasan sa mga kapwa babae mo mismo maririnig yan. Hindi ba pwede na kaya mo ring mag invest, mag negosyo, at tumayo sa sarili mong mga paa dahil nagtrabaho ka talaga at nakapag ipon? Walang imposible sa mga taong masipag at naghahanap buhay, may focus sa buhay, nag iipon, at may faith kay God at sa sarili. Regardless kung babae ka o lalaki, basta maabilidad ka kayang kaya mong magsucceed sa buhay. Wala yan kung "mapera" man ang asawa mo o kilala sa lipunan. Kung di ka marunong magtrabaho at di nag iipon, wala talaga patutunguhan kahit bigyan ka pa ng pera ng kabiyak mo. Mauubos mo rin yan. Hindi ako binibigyan ng pera ni Chito pang luho o pang negosyo. Hindi rin naman ako nanghihingi. Sariling pera ko ang napupundar ko. Sabi nga ng mga kabataan ngayon, i-flex mo yan, hehe! Hindi naging madali sa akin lahat lalo pa at wala rin akong naipundar nung nag artista ako. Nagsimula lang ako sa P3000, napalago ko siya. At 36 years old, ngayon ko palang nakikita ang mga pinaghirapan ko sa pagtitinda ng kung ano ano. Tindera ng bayan at tindera ng taon nga ako, di ba? Haha! Ayan lagi ang sinasabi sa akin at para sa akin, compliment yan. Ibig sabihin masipag ako. It is not too late para sa ating lahat na makapag invest, makapagtayo ng negosyo, o kung ano man ang pangarap mo noon pa man. Lucky you kung nakapagsimula ka ng mas bata pa. Ako? Medyo late na pero nagsumikap ako. Kahit anong edad mo pa basta maabilidad ka sa malinis na paraan, makukuha mo ang mga pangarap mo. Sabi nga ni Tita Shawie, "Unti unting mararating kalangitan at bituin. Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning." Hehe! Ayan ang theme song ko kapag nakikita ko ang mga pinaghirapan ko. Yes, laki ako sa hirap pero hindi yun hadlang para umasenso. I embraced it at ginawang inspirasyon para umunlad sa buhay. At proud ako na hindi ako umaasa sa kung ano ang ibibigay ng asawa ko sa akin. Kayang kaya natin yan. Wala yan sa gender. Lalaki ka man, babae, tomboy, o bakla basta masipag ka, di ka magugutom. Partneran mo pa ng tyaga, aasenso ka sa buhay. #WaisNaMisis

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on