• Home
  • Fresh Scoops
  • Martin Del Rosario, alay ang best actor award kay Paolo Ballesteros at Christian Bables

Martin Del Rosario, alay ang best actor award kay Paolo Ballesteros at Christian Bables

Kasado na rin ang part two ng ‘The Panti Sisters’ na ‘The Hidden Panti’ na inaasahan na mapapanood sa susunod na taon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/22/2019 1:10 PM
Martin Del Rosario, alay ang best actor award kay Paolo Ballesteros at Christian Bables


Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng mga bida ng pelikulang The Panti Sisters na sina Christian Bables at Martin Del Rosario para sa mainit na suporta sa kanilang pelikula na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kasunod ito ng pagtabo sa takilya ng The Panti Sisters.

“Sobrang blessed and thankful. Grabe. Ako hindi ko lubos na inakala na aabot kami sa ganito. Ngayong andito na kami, parang (kami) akong nasa cloud 9. Ang galing,” tugon ni Christian sa naging panayam.

“Ako rin, hindi ko ine-expect ‘yung ganitong suporta kaya naman grabe ‘yung appreciation at lahat ng nanood, at sumuporta para sa film,” ani Martin.

Dahil sa napapanahong isyu ng LGBTQ+ community naniniwala si Christian at Martin na naka-relate ang mga Pilipino sa kuwento ng magkakapatid na Panti ng The Panti Sisters.

“Ako personally, kitang kita ko ‘yun sa mga tweets ‘yung thoughts nila about the (LGBTQ) issues, sobrang happy and sobrang sarap sa pakiramdam na, naihatid namin ng maayos ang mensahe namin na gusto namin ibahagi sa mga tao,” sabi ni Christian.

“Sana doon sa mga hindi pa rin ganun ka bukas ang isipan maging mas bukas na sa pamamagitan ng ganitong mga paraan mga film,” patuloy ni Martin.

Bukod sa tagumpay ng The Panti Sisters sa takilya, isa din sa ipinagpapasalamat ni Martin ang kanyang tagumpay sa naganap na pagkilala ng Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan nasungkit niya ang best actor award.

READ: ‘Lola Igna’ kinilala sa gabi ng parangal ng PPP 2019

“Sabay sabay na nga e, bukod sa top grosser na ‘yung film sa Pista ng Pekikulang Pilipino, best actor pa, kaya thank you lord pero siyempre kaming tatlo talaga ang best actor si Paolo and si Christian, sa aming tatlo ‘yun,”pahayag ni Martin.