• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera, ibinahagi ang priceless moments kina Zia at Ziggy

Marian Rivera, ibinahagi ang priceless moments kina Zia at Ziggy

Ikinuwento rin ni Marian Rivera ang mga bagong nalaman niya bilang second time mom

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/22/2019 2:44 PM
Marian Rivera, ibinahagi ang priceless moments kina Zia at Ziggy


Photo Credit: @marianrivera on IG

Proud at masayang ibinahagi ng aktres na si Marian Rivera ang bagong discoveries niya sa kanyang mga anak na si Zia at Baby Ziggy.

Kuwento ni Marian, dahil second time mom na ngayon hindi na siya dumaan sa malaking adjustment sa pagpapalaki kay Baby Ziggy na anim na buwan na ngayon.

“Kung dati na first time mom ka e marami kapang kinakapa na mga bagay bagay, pero this time around kahit papaano e kalmado na kumbaga, alam mo na ‘yung routine na gagawin,” tugon ng aktres sa panayam sa naganap na opening ng BeautéDerm flagship store sa isang mall sa Angeles, Pampanga.

At bilang nanay din, masaya din si Marian sa mga natutuwa at nanggigil sa kanyang mga anak na isa ngayon sa most liked child personality sa social media.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

“Nakakatuwa, sabi ko nga maraming salamat sa lahat ng nagmamahal sa anak ko ‘di ba? Nakakatuwa kasi kahit ako din aliw na aliw ako sa mga anak ko,” sabi pa ni Marian.

 

Dahil second time mom na, isa din sa masasabi ni Marian na hamon para sa kanyang journey bilang nanay ang balanseng atensyon para sa kanyang mga anak.

“Mahirap siyempre kasi sanay si Zia na mag-isa lang siya e. Ngayon dalawa na sila. Unti-unti and gradual dapat ipa-realize mo sa kanya na magkapatid kayo dapat best friends kayo, noong baby ka, ganito din ang ginawa ko sa ‘yo, kaya mabuti rin na may mga pictures ako sa phone na pinapa dede ko siya, inaalagaan ko siya, tapos sinasabi ko na ganun din ang ginawa ko sa kanya noong baby siya/

 “Pero ngayon, sobrang close sila, sobrang mahal na mahal ni Zia si Ziggy kaya nakakatuwa sabi ko nga pricesless ‘yun na magkasundo silang dalawa,’” pahayag pa ni Marian.

Sa ngayon, tutok muna si Marian sa kanyang mga anak bago ang inaasahan na muling pagbabalik-pelikula at telebisyon.