• Home
  • Fresh Scoops
  • Karakter ni Arjo Atayde sa ‘The General’s Daughter’ pinuri ng Autism Society of the Philippines

Karakter ni Arjo Atayde sa ‘The General’s Daughter’ pinuri ng Autism Society of the Philippines

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/22/2019 12:49 PM
Karakter ni Arjo Atayde sa ‘The General’s Daughter’ pinuri ng Autism Society of the Philippines


Photo Credit: @arjoatayde on IG

Umani ng papuri mula sa Autism Society of the Philippines ang pagganap ng aktor na si Arjo Atayde sa The General’s Daughter bilang si Ilai.

Si Ilai ang spesyal na anak ni Nanay Sabel na ginagampanan naman ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa Twitter post ng Autism Society of the Philippines, tanging papuri ang nakuha ng aktor para sa kanyang naging markadong papel sa maaksyong kuwento ng The General’s Daughter.

“Arjo’s portrayal of autism is sensitive and nuanced. The character is well developed and avoided stereotypical caricatures. Bravo!” sabi pa ng samahan sa post.

Kamakailan lang markado at nagtala ng mataas na rating ang naging pamamaalam ng karakter ni Arjo at ang Diamond Star sa The General’s Daughter.

Nasa huling dalawang lingo na ang The General’s Daughter.