• Home
  • Fresh Scoops
  • Ariella Arida denies having had a relationship with Willie Revillame

Ariella Arida denies having had a relationship with Willie Revillame

Ariella Arida, giniit na walang namagitan sa kanila ng dating co-host na si Willie Revillame.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/22/2019 2:00 PM
Ariella Arida denies having had a relationship with Willie Revillame


Sa Tonight with Boy Abunda, maiinit na intriga ang hinarap ni beauty queen at The Killer Bride actress Ariella Arida.

READ: Ariella Arida, excited sa bagong career bilang artista

Una na ang paghingi sa kanya ng reaction sa napabalitang pagdura diumano ni Kylie Verzosa sa kaibigan ni Ariella na si Maxine Medina habang kinukunan ang isang eksena. “Siguro mga ganitong bagay, may mga bagay talagang hindi mo maiiwasan at mabibigla ka na lang siguro sa mga eksena,” ani Ariella.

Makakatulong din daw ang pag-uusap ng actors, ayon kay Ariella. “On my part co-actors naman kayo, it’s better siguro na mag-usap kayo before and after you do the scene. Parang ganun,” aniya.

READ: Kylie Verzosa at Maxine Medina, nagkapatawaran na nga ba?

Pangalawang bato ng issue naman kay Ariella ang patuloy na pag-ship ng netizens sa kanila ng dati niyang co-host na si Willie Revillame. Matagal ding nagkasama sa trabaho si Ariella at Will. At ngayong pareho silang single ni Will, may pag-asa kaya ang host kay Ariella?

Hindi man direktang sinagot, nilinaw ni Ariella na mataas ang respeto niya kay Will. “Tito Boy, alam naman ni Kuya Willl… In fairness, mataas yung respeto ko kay Kuya Will. Ang tagal ko ring nag-work with him and I can attest Tito Boy na never ko naman na feel na… alam mo yun…” sabi ni Ariella.

Nilinaw din ni Ariella na hindi siya niligawan ni Will at hindi raw sila nagkaroon ng ‘thing’ noon. “Wala po. Kaya I’m super… ang taas nung respeto ko kasi kung ako may ma-feel ako na something na parang against my paniniwala sa buhay… Hindi ako magtatagal ng ganun. We’re still in good connection… good friends….” dagdag pa ng beauty queen turned actress.

Natawa lang rin si Ariella sa tanong kung possible na magkaroon sila ng more than friends relationship ni Will dahil sa pareho naman silang single. Lagi din daw kasi noon sinasabi ni Will na “hindi ako type niyan.”

Inamin naman ni Ariella na last year pa siya huling nag-date. “Last year. Pero hindi nag-work,” rebelasyon ng dalaga.