• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda at Ion Perez, naging emosyonal nang mag-’I love you’ sa isa’t isa

Vice Ganda at Ion Perez, naging emosyonal nang mag-’I love you’ sa isa’t isa

Nagulat ang madlang people nang biglang maluha sina Vice Ganda at Ion Perez sa kanilang impromptu scene sa ‘It’s Showtime.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/21/2019 11:42 AM
Vice Ganda at Ion Perez, naging emosyonal nang mag-’I love you’ sa isa’t isa


Photo Credit: @viceiion on IG

Nagulat ang madlang people at ang It’s Showtime hosts na sina Anne Curtis at Vhong Navarro nang biglang naluha si Ion Perez at Vice Ganda matapos magsabi ng ‘I love you’ sa isa’t isa on-air.

Ipinatawag si Ion sa segment na Mr. Q&A at matapos magbiruan ay tinukso sila ni Vhong na mag-I love you. Matapos naman sagutin ni Vice ng I love you rin si Ion, napansin nitong naiiyak ang ‘Kuya Escort’ ng noontime show.

“Kinikilig ka, bakit ka naiiyak?” biro ni Vice.

“Di, kinikilig lang ako,” sagot ni Ion.

“Naiiyak ka ba? Umiiyak? Bakit ka umiiyak? Naiiyak siya! Kinikilig siya! Bakit kayo nag-iiyakan, naiiyak na rin ako!” ani Anne.

WATCH: It’s Showtime: Ion at Vice, naging emosyonal matapos mag-I love you sa isa’t isa

Nang tanungin nina Vhong at Anne kung bakit naiiyak si Ion, sambit niya, “Ang saya pag nakikita siyang masaya. Kasi talagang masarap makita na masaya ‘yung taong mahal mo.”

Matapos punasan ang luha, hirit naman ni Vice, “Hoy, mag-contest na tayo.”

Madalas na tampulan ng tukso ang dalawa ngunit sa kabila ng kanilang kilig moments sa show ay nilinaw ni Ion na malapit niyang kaibigan si Vice at espesyal siya para sa kanya.

READ: Ion Perez says he is not in a relationship with Vice Ganda

Noong Huwebes, Setyembre 19 ay sinabi ng TV host-comedian na mayroon na siyang happy heart ngayon.

Matapos ang eksena sa It’s Showtime ay pinasalamatan niya ang madlang people na maligaya para sa kanya,

“Andami niyong nagmamahal sa akin at masaya para sa kasiyahan ko. Maraming salamat!!! Mapalad ako.”