• Home
  • Fresh Scoops
  • Veteran director Mel Chionglo and entertainment writer Isah Red pumanaw na

Veteran director Mel Chionglo and entertainment writer Isah Red pumanaw na

Parehong pumanaw na sina veteran director Mel Chionglo and entertainment writer Isah Red ngayong araw, September 21

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/21/2019 12:50 PM
Veteran director Mel Chionglo and entertainment writer Isah Red pumanaw na


Nagluluksa ang industriya ng showbiz sa magkasabay na pagpanaw ng beteranong entertainment journalist na si Isah Red at veteran director na si Mel Chionglo.

Pareho silang binawian ng buhay nitong September 21, 2019. Pareho ring atake (cardiac arrest) ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Si Isah ay dating entertainment editor ng Manila Standard na eventually ay naging Standard Today na. Siya rinang founder ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors).

Ilan sa mga hindi malilimutang obra ni Direk Mel ay ang mga gay-themed movies like Sibak: Midnight Dancer, Twilight Dancers, and Burlesk King.

Si Direk Mel ay member din ng executive committee ng Cinemalaya.

Ayon sa kuwento ni Direk Armand Reyes na ipinadala niya sa amin sa Messenger, “Galing sa pamamasyal nakaramdam ng masama si Direk Mel. Umuwi siya tapos hinatid sa Chinese General Hospital. Do’n na siya pumanaw, 1:30 a.m.”

Base rin sa kanyang kuwento, nakaramdam na ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga si Isah nitong mga nakaraang araw at ngayong Tuesday dapat ang schedule niya sa doctor. Kaya lang, inatake na siya sa kanyang bahay nitong Sabado, September 21.

Mula sa PUSH, ang amin pong pakikiramay sa mga naulila nina Isah at Direk Mel.