• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Verzosa, sa boyfriend na si Jake Cuenca: ‘I‘ve never been this happy’

Kylie Verzosa, sa boyfriend na si Jake Cuenca: ‘I‘ve never been this happy’

Muntik nang maging emosyonal si Kylie Verzosa matapos mapanood ang nakakakilig na interview ng ‘Magandang Buhay’ sa kaniyang boyfriend na si Jake Cuenca.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/21/2019 9:47 AM
Kylie Verzosa, sa boyfriend na si Jake Cuenca: ‘I‘ve never been this happy’


Photo Credit: @@kylieverzosa IG

Muntikang maging emosyonal ang Los Bastardos actress na si Kylie Verzosa matapos mapanood ang nakakakilig na interview ni Jake Cuenca sa Magandang Buhay.

Sa morning talk show nitong Biyernes September 20, ipinapanood kay Kylie ang isang pahayag ng boyfriend na sinabing nakikita di umano ni Jake si Kylie bilang kaniyang 'future'.

"I've never been this secure in a relationship. I've never been this happy in a relationship. Ang dami na niyang pinagdaanan. I think we're both in a good place right now," pahayag ni Kylie sa mga momshie hosts.

May 11 months na sila Kylie at Jake bilang opisyal na couple. Sa parehong episode ng Magandang Buhay, isang nakakakilig na pahayag din ang iniwan ni Kylie.

"Super sweet ni Jake. Isa siya sa mga sweet na taong nakilala ko. Parang hinahanap niya yung atensyon ko everyday. Liligawan niya ako everyday, mahilig siya magbigay ng gifts, ng mga flowers, kahit na hindi ko naman hinihingi. Very affirmative siya, very secure po kami sa relationship namin.

"For me, siya po yung gusto kong makasama," dagdag niya.

READ: Jake Cuenca, Kylie Verzosa officially together

READ: Jake Cuenca, handa na bang pakasalan si Kylie Verzosa?

Hindi man kinumpirma kung pinagpaplanuhan na ba ang kasal o ang pagbuo ng sariling pamilya, nilinaw ni Kylie na parehas sila Jake nang posisyon sa kanilang relasyon ngayon.

"Pareho kaming naka-focus sa career namin. Para sa akin po, bago ako pumasok sa pag-aarte, ang dami ko pang gustong patunayan sa sarili ko. Pero andun na rin naman ako sa right age, maybe in a few years.

"No pressure is there for the both of us, pero we'll take it a day at a time," paliwanag ng aktres.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

He came from a whole day of work and I, a whole productive day of working out 😂 Dress- @realisationpar

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

Mapapanood pa rin ang dalawa sa huling linggo ng pinagbibidahang serye na Los Bastardos, sa Kapamilya Gold.