• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion sinagot ang paratang ng basher na ‘dagdag-bawas’ ang kanyang mukha

KC Concepcion sinagot ang paratang ng basher na ‘dagdag-bawas’ ang kanyang mukha

KC Concepcion, muling sinagot ang basher na pumuna sa kanyang ‘enhancements’ sa mukha.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/21/2019 12:02 PM
KC Concepcion sinagot ang paratang ng basher na ‘dagdag-bawas’ ang kanyang mukha


Photo Credit:@itskcconcepcion on IG

Muli na namang naging sentro ng tukso ang pisikal na itsura ni KC Concepcion dahil matapos mag-post ng litrato ay may isa namang netizen ang pumuna sa kanyang ‘dagdag-bawas’ na ibig sabihin ay sumailalim ito sa cosmetic surgeries.

Ikinumpara naman ng basher si KC kina Michael Jackson at Arci Munoz na inaming sumailalim sa ilang beauty enhancements at sinabi rin noon ng aktres na ‘My life, my rules.’

“Kala ko si MADAM AURING. Sa dami ng dagdag-bawas mo sa mukha, dami mo ng kamukha ‘Michael Jacson, Arci Munos, ang lips hanggang tenga na, sige banat at hila pa hanggang umabot ang cheekbones mo sa noo (sic),” ani ng netizen.

Hindi man direktang sinagot ni KC ang alegasyong sumailalim siya sa cosmetic surgery, nabilib naman ito dahil ma-effort ang kanyang basher.

“Nakaka-proud ka ’te, effort talaga sa pag-enumerate,” banat ni KC

 

Kamakailan ay na-bash din si KC at nasabihang mukhang clown at mataba.


READ: KC Concepcion reacts to netizen calling her a ‘clown’

Sa mga posts ni KC ay hindi naman niya itinagong sinusubukan talaga niyang magpapayat at maging healthy. Kamakailan ay natuwa rin siya dahil nanumbalik na ang kanyang cheekbones.


“Yay my cheekbones have begun to come back! How I’ve missed them haha   People ask how I’ve been losing weight the natural way- I pay attention to what I eat by having anti-inflammatory food like papaya, steamed fish, fresh tarragon and lemongrass tea. I also do private power yoga classes every single day.  It’s the little things done consistently to improve your mind and body that count! Keep taking care of yourselves loves!”