• Home
  • Fresh Scoops
  • Kampo ni JM de Guzman sinagot ang paratang na frustrated murder sa kanya

Kampo ni JM de Guzman sinagot ang paratang na frustrated murder sa kanya

Isang fan diumano ni JM de Guzman ang kanyang nakaalitan at ito’y nagsampa ng kaso laban sa aktor at kasamahan nito.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/21/2019 1:57 PM
Kampo ni JM de Guzman sinagot ang paratang na frustrated murder sa kanya


Photo Credit: @1migueldeguzman IG

Naglabas ang kampo ni Kapamilya star JM De Guzman ng statement tungkol sa diumano pagsampa ng isang Pitt Norman Zafra ng complaint na “Frustrated Murder” laban sa aktor at sa isa pang indibidwal. Sinampa ang naturang reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City.

Ayon sa statement, nauna na noong nagsampa ng reklamong “Physical Injuries” si Mr. Zafra laban sa aktor at sa kasamahan diumano nito. Iniatras na rin daw ng parehong complainant ang reklamong “Physical Injuries” noong August 8, 2019.

Ikinagulat diumano ng aktor ang pagsampa ng mas seryosong reklamo ni Mr. Zafra laban sa kanya, na base lang sa parehong “factual circumstances” at reklamong iniatras na niya last month.

Ganunpaman, mas makabubuti daw na ang pagdinig at imbestigasyon ng reklamo ay gawin sa proper venue at hindi sa media.   

Dahil rin sa nag-file na ng panibagong complaint si Mr. Zafra, hindi raw fair para sa aktor na ma-preempt ang proceedings dahil na rin sa pagkakalat ng negative publicity ng kampo nila Mr. Zafra laban sa aktor. Hindi pa rin daw nakakapag-conduct ng preliminary investigation ang Investigating Prosecutor ng Quezon City.

Confident diumano ang kampo ng aktor na merong sapat na evidence (testimonial at electronic) si JM na magpapatunay na inosente siya sa mga charges ni Mr. Zafra laban sa kanya.

Lumabas kahapon September 20 ang article sa Abante Tonite kung saan dinetalye ang diumanong pambubugbog na ginawa ni JM at ng MMA fighter at fitness coach na si George Castro sa kanya.

Ayon sa article, nagsimula ang lahat nang magpa-picture si Mr. Zafra at ang “wife” nito kay JM.

Narito ang statement ng actor mula sa kanyang abogado at pinadaan sa kanyang management na Starmagic: