Angel Locsin, lumambitin sa truck

Todo aksyon pa din si Angel Locsin para sa nalalapit na pagtatapos ng ‘The General’s Daughter.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/21/2019 1:22 PM
Angel Locsin, lumambitin sa truck


Photo Credit: @therealangellocsin on IG

Hindi na maaawat sa maaksyong eksena ang mga bida ng The General’s Daughter.

Sa viral na Instagram post, kuha ang paglambitin sa likuran ng truck ng pangunahing bida ng programa na si Angel Locsin.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Grabe sha!!!! Ingat, @therealangellocsin #TGDTapatan

A post shared by EJS (@ericjohnsalut) on

Walang kahit na anong suot na harness ang aktres para maibigay ang makatotohanang kuwento ng eksena.

Dahil dito, bumuhos ang naging pag-aalala ng kanyang mga fans sa kanyang social media.

Sa ngayon, tutok si Angel para sa nalalapit na pagtatapos ng The General’s Daughter.