• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga nagkuwento tungkol sa kinukuhang kurso ni Toni Gonzaga sa Harvard University

Alex Gonzaga nagkuwento tungkol sa kinukuhang kurso ni Toni Gonzaga sa Harvard University

Ayon kay Alex Gonzaga, nakatakdang umuwi ang kaniyang ate na si Toni Gonzaga ngayong Linggo mula sa Harvard University.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/21/2019 9:37 AM
Alex Gonzaga nagkuwento tungkol sa kinukuhang kurso ni Toni Gonzaga sa Harvard University


Photo Credit: @tonigonline IG

Nagkuwento ang celebrity vlogger na si Alex Gonzaga ang tungkol sa kasalukuyang pag-aaral ng ate niyang si Toni Gonzaga sa Amerika, sa Harvard University. Sa interview ng press kay Alex nitong Huwebes, September 19, sinabi nitong nakatakdang umuwi si Toni sa Pilipinas ngayong Linggo.

"She was very happy about it, she was telling us that she met a lot of marketing heads ng mga very big multinational companies. So yun, nagbigay ng mga tip sa kanila," kuwento ni Alex.

READ: Toni Gonzaga to attend class at Harvard

Nitong September 9 nang lumipad si Toni papuntang Boston para kumuha ng maikling kurso sa Digital Marketing sa Harvard. Nakasama dito ni Toni bilang mga klasmeyt sina Vicki Belo at Hayden Kho.

READ: Alex Gonzaga: ‘Vlogging is the mainstream now’

Pagpapatuloy ni Alex, nakatakda ring bumalik si Toni sa Harvard para sa kasunod na kurso. Pero dahil sa schedule ng trabaho, maaaring hindi ito matuloy.

"Actually ang ate mayroon siyang second course—parang pre-requisite, kaya lang mayroon siyang live show ng The Voice so nanghihinayang siya. So sabi ko pwede bang ako na lang umattend," biro ni Alex.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

She never stops learning ♥️ #tonigonzaga

A post shared by Toni Gonzaga Online (@tonigonline) on