• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Things just had to end’: Kira Balinger inamin ang naudlot na relasyon kay Ryle Santiago

‘Things just had to end’: Kira Balinger inamin ang naudlot na relasyon kay Ryle Santiago

Isa sa solo na rumampa sa naganap na 2019 ABS-CBN Ball si Kira Balinger.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/20/2019 1:44 PM
‘Things just had to end’: Kira Balinger inamin ang naudlot na relasyon kay Ryle Santiago


Photo credit: @kira_balinger and @hashtag_ryle on Instagram

Hindi itinanggi ng Kapamilya star na si Kira Balinger ang tila naudlot na matamis na pagtitinginan nila ng Hashtag member na si Ryle Santiago.

Sa naging panayam sa dalaga sa naganap na 2019 ABS-CBN Ball, inamin niya na dumating sa punto na niligawan siya ni Ryle.

 

 

“Yes,” tugon niya sa press. “Well life happens, you know no matter how you wanted to be, sometimes wala e. People just come by to teach you a lesson in life, they’re not meant to stay.”

Hindi man daw nagtuloy sa matamis na relasyon ang kanilang pagtitinginan, nanataili pa naman raw ang kanilang pagkakaibigan.

“Pero don’t get me wrong, me and Ryle are good friends,” sabi pa niya.

Ayon kay Kira “huminto” nalang si Ryle sa tila panliligaw nito sa kanya.

“Nag-explain naman siya hindi naman po niya ako na-ghosting, that’s fine don’t worry guys, pero ayun, things just had to end,” aniya pa.

Aminado naman si Kira na nasaktan siya sa kinahinatnan ng samahan nila ni Ryle.

“Well I would be lying if I said na hindi ako nasaktan, siyempre your feelings are true, masasaktan ka talaga but that’s okay, I’m okay now and I’m just really focused on my work and my family,” paliwanag niya.

At kung tatanungin naman kung kailan ang tamang panahon para ma-inspire muli: “For me to be inspired, I guess anytime don’t make it a priority. Work and family should always be the number 1 priority.”

Sa ngayon, napapanood si Kira sa Pamilya Ko bago mag TV Patrol.