• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo, maid of honor sa kasal ng kapatid ni Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo, maid of honor sa kasal ng kapatid ni Matteo Guidicelli

Malaki ang papel na gagampanan ni Sarah Geronimo sa kasal ng kapatid ng nobyo nitong si Matteo Guidicelli na si Georgia matapos itong mapili bilang kanyang maid of honor.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/20/2019 1:08 PM
Sarah Geronimo, maid of honor sa kasal ng kapatid ni Matteo Guidicelli


Photo credit: @ashmatt_love on Instagram

Malaki ang papel na gagampanan ni Sarah Geronimo sa kasal ni Giorgia Guidicelli, ang kapatid ng nobyo nitong si Matteo Guidicelli.

Ito, matapos siyang mapili bilang maid of honor ni Giorgia, na nakatakdang ikasal sa kanyang triathlete fiance na si Ian Dato itong taon.

Sa Instagram, nag-viral ang ilang photos at video ng tinaguriang Popstar Royalty kuha mula sa ginanap na bridal shower para kay Giorgia nitong linggo.

 

 

Tampok din si Sarah sa Instagram post ni Giorgia kung saan nagbahagi siya ng ilang retrato mula sa kanyang bachelorrette party at sinabing: "Thank you for an awesome bachelorette ladies! Such a great setup!"

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you for an awesome bachelorette ladies! Such a great setup!!

A post shared by Giorgia Guidicelli (@giorgiafguidicelli) on

 

Noon pa man ay malapit na si Sarah sa kapatid ng kasintahan nitong si Matteo. Matatandaang matapos ang kanyang emotional breakdown sa kanyang concert noong nakaraang taon ay agad na nagpahatid ng suporta si Giorgia para sa singer sa pamamagitan ng isang Instagram post. 

"Excited for all the adventures. There’s so much to look forward to, manang ko!" aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Excited for all the adventures. There’s so much to look forward to, manang ko!!

A post shared by Giorgia Guidicelli (@giorgiafguidicelli) on