• Home
  • Fresh Scoops
  • Rafael Rosell, masaya sa mataas na ratings ng bagong seryeng ‘Parasite Island’

Rafael Rosell, masaya sa mataas na ratings ng bagong seryeng ‘Parasite Island’

Ayon sa datos, umabot ng 30.7% ang ratings ng unang episode ng pinagbibidahang serye ni Rafael Rosell na; Parasite Island’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/20/2019 12:48 PM
Rafael Rosell, masaya sa mataas na ratings ng bagong seryeng ‘Parasite Island’


"Worth it" ang pagod, para sa nagbabalik Kapamilya na si Rafael Rosell, ang kaniyang bagong pinagbibihang serye na 'Parasite Island'. Sa interview ng PUSH kay Rafael, nagpasalamat ang aktor sa mga suporta na natanggap ng serye sa unang dalawang episodes nito.

"It's awesome, ang ganda ng ratings namin ang daming nanonood. The support and the love is definitely there.

"Sa set naman we always have so much fun kasi we're fighting zombies but at the end of the day, yung emotions and physicality na kino-contribute namin for the show, nakakapagod talaga. But seeing the ratings, it makes it all worth it," pahayag ni Rafael sa interview habang nasa ABS-CBN Ball nitong Sabado, September 14.
Ang Parasite Island ay ang pinakabagong fanta-serye ng Kapamilya Network na tungkol sa pamilya na makakaranas ng kakaibang trahedya na dulot ng mga linta sa kanilang lugar. Kasama bilang cast members sina Ria Atayde, Liza Lorena, Bernard Palanca, at ang dating housemates ng PBB (Pinoy Big Brother Otso) na si Kaori Oinuma.

Ayon sa datos ng Kantar Media, umabot ng 30.7% ang ratings ng unang episode ng naturang serye, laban sa 17.3% ng Daig Kayo ng Lola Ko sa kabilang estasyon.

Read:Love tries to save strained family from selfishness and lies on “Parasite Island”

Read:EXCLUSIVE: Rafael Rosell, ikinuwento kung paano nagsimula ang adbokasiya niya sa medical cannabis

Read:Balik-Kapamilya Rafael Rosell, bibida sa bagong teleserye kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez

Samantala sa parehong interview ay nagbigay pugay si Rafael kay Gina Lopez, bilang isa sa mga inaalala sa nakaraang ABS-CBN Ball.

"I'm honored, it's always great to help out -- of course it's for the Bantay Bata Education Program na iniiwan ni Gina Lopez; a great legacy of her.

"Ever since dati pa I've been a fan of Gina Lopez. She's gone through a lot, she's been helping a lot of people and her overall advocacy is helping out people talaga, so nakaka-inspire sa akin," paliwanag ni Rafael.


Ibinida rin ni Rafael ang kaniyang suot na Datu of Mindanao-inspired na blazer sa naturang event. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

JUST WOW. Rafael Rosell is capturing hearts here at the #ABSCBNBall2019 🖤

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv) on

 

Mapapanood ang Parasite Island tuwing Linggo 7 pm sa Kapamilya Network.