• Home
  • Fresh Scoops
  • PPB Otso ex-housemate Reign Parani: ‘Sobrang na-intimidate po ako kay Miss Vina Morales and Mama Ogie.’

PPB Otso ex-housemate Reign Parani: ‘Sobrang na-intimidate po ako kay Miss Vina Morales and Mama Ogie.’

PPB Otso ex-housemate Reign Parani, na-intimidate nang makasama sa eksena sina Vina Morales at Ogie Diaz.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/20/2019 2:06 PM
PPB Otso ex-housemate Reign Parani: ‘Sobrang na-intimidate po ako kay Miss Vina Morales and Mama Ogie.’


Sa Tonight with Boy Abunda, grateful sina Pinoy Big Brother Otso ex-teen housemates Reign Parani and Ali Abinal dahil nakasama sila sa cast ng Kapamilya seryeng Sandugo. “Honestly, it’s been such a blessing po talaga given the opportunity… Out of all the housemates po, I’m super super grateful and I’m super super lucky for this project,” umpisa ni Reign.

Overwhelmed din si Ali sa break na ito. “Sobrang proud po ako nun sa sarili ko…

May napatunayan na po ako finally sa parent ko. Sa Papa ko. Siya po yung unang taong bumati sa akin na ang galing mo ‘nak. Pagpatuloy mo lang yan,” kuwento ni Ali.

Hindi naman makalimutan ni Reign ang eksena niya kasama sina Vina Morales at Ogie Diaz. “I remember the time when I took super super long on the scene kasi sobrang na-intimidate po ako kay Miss Vina Morales and Mama Ogie,” ani Reign.

Aminado rin si Reign na kinabahan siya sa eksenang kasama ang mga premyadong artista. “Sobra po. They really helped me a lot Mama Ogie and Miss Vina po in everything talaga,” aniya.

Kabaliktaran naman si Ali na hindi kinabahan sa kanyang first day dahil ang una niyang ka-eksena ay walang iba kundi si Reign. “Kaya hindi po ganung nakaka-stress,” sabi ni Ali.