• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘90s Disco Queen Jocelyn Enriquez, inanunsyo ang comeback single

‘90s Disco Queen Jocelyn Enriquez, inanunsyo ang comeback single

Sa pagbabalik Pilipinas ng ‘90s Disco Queen na si Jocelyn Enriquez, inanunsyo niya ang rin ilalabas niyang bagong kanta.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/20/2019 1:30 PM
‘90s Disco Queen Jocelyn Enriquez, inanunsyo ang comeback single


Photo credit: @jocelynenriquezofficial on Instagram

First time na dumalo sa Magandang Buhay nitong Huwebes ang tinaguriang Disco Queen ng ‘90s na si Jocelyn Enriquez. Sa naturang guesting ay inanunsyo rin ng iconic singer ang kaniyang pagbabalik sa pagkanta, at ngayon ay ang pagre-release ng kaniyang bagong single.

"It's really really overwhelming—after all these years, that the song have made impact on lives and the homes of the my kababayans," masayang bati ni Jocelyn sa mga momshie hosts.

"This [new] song is called 'To Love Again'. It's actually a story of the love for the music after being gone for such a long time. The realization that it was always with me," paliwanag ng Fil-Am singer tungkol sa kaniyang bagong awitin.

Dagdag ng singer, kasama niya sa pagsulat ng kanta ang kaniyang panganay na anak, at isang kaibigan mula sa States.

"It's descrbing the love for the people, the love for the music, the love for the stage, its a love story that still want to continue and I want to invite everybody on this beautiful journey," pagpapatuloy niya.

Si Jocelyn ang nagpasikat ng ilang kanta na madalas ay naririnig sa mga Zumba dance classes. "A Little Bit of Ecstasy", "I've Been Thinking About You" at "Do You Miss Me", ang ilan sa mga iyon.

Para kay Jocelyn, ang pagbabalik niyang ito ay ang pag-re-reintroduce ng sarili niya sa bagong henerasyon ng mga nakikinig.

"A lot of the people now that listen to my music were probably not even born [then]. So I always tell people, 'I'm probably old enough to be your mom. So basically I'm here to re-introduce myself, and even the music of the ‘90s like 'Do You Miss Me' and 'If You Could Read My Mind,'" ani Jocelyn.

 


All My Life ang huling album ni Jocelyn na nilabas noong 2003. Naging madalang ang kaniyang pagpagpeperform at paggawa ng kanta nang nagsimula siyang bumuo ng sariling pamilya.