PANOORIN: Alex Gonzaga, namili sa Divisoria

Nasubukan ang galing ni Alex Gonzaga sa pakikipagtawaran nang mamili siya sa Divisoria kamakailan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/2/2019 11:05 AM
PANOORIN: Alex Gonzaga, namili sa Divisoria


Screenshots from Ms Alex Gonzaga YouTube video

Nasubukan ang galing ni Alex Gonzaga sa pakikipagtawaran nang mamili siya sa Divisoria kamakailan.

Sa kanyang latest vlog, mapapanood ang biyahe ng TV host-vlogger mula LRT patungong Divisoria kasama ang ilang kapamilya, staff, at nobyong si Mikee Morada.

Matapos makipagsiksikan ay tumungo ang grupo sa Lucky China Town upang kumain.

Sa ngayon ay may halos dalawang milyong views na ang nasabing vlog ni Alex mula nang i-post niya ito nitong Biyernes. 

Panoorin ang buong bidyo rito: