• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagkatapos regaluhan ng motor ang ama, Seth Fedelin, balak bigyan ng negosyo ang mga magulang

Pagkatapos regaluhan ng motor ang ama, Seth Fedelin, balak bigyan ng negosyo ang mga magulang

Malaki ang pasasalamat ni Seth Fedelin sa mga taong nagbigay sa kaniya ng mga sunud-sunod na proyekto.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/2/2019 9:18 AM
Pagkatapos regaluhan ng motor ang ama, Seth Fedelin, balak bigyan ng negosyo ang mga magulang


Photo credit: @imsethfedelin IG

Kuwento ng Pinoy Big Brother Teen ex-housemate na si Seth Fedelin, sa proyektong Abandoned siya pinaka unang sumabak sa pag-arte. Dito ay una na rin niyang nakatrabaho ang isa sa mga kasamahan niya sa teleseryeng Kadenang Ginto, si Beauty Gonzalez. 

Sa panayam ng press kay Seth bago ang special screening ng pelikula, nagbigay pasasalamat siya sa direktor na si Kip Oebanda dahil sa tiwala nitong gampanan niya ang isa sa mga lead characters ng pelikula. 

"Siya yung first director ko sa pag-arte. Nauna kasi eto sa Kadenang Ginto, so sobrang pasalamat ko sa kaniya kasi ang dami kong natutunan sa kaniya, ang dami niyang advice na ina-apply ko hanggang ngayon. Thankful ako sa kaniya kasi siya yung una kong naging director," pahayag ni Seth na aminadong kinakabahan mapanood sa big screen ang pinaka-una niyang pelikula. 

READ: Seth Fedelin surprises his dad with a brand new motorcycle

Bukod dito, nagpapasalamat din daw si Seth sa lahat ng tumutulong sa kaniya na magkaroon ng pagkakataon sa mga proyektong kinabilangan niya. Ayon kay Seth dahil dito ay nabilhan na ang sarili ng sariling kotse at kamakailan ay isang motorsiklo para sa ama. 

"Nagpapasalamat ako kay Lord kasi binigyan ako ng mga ganitong (mga ka-trabaho) na naniwala sa akin at binigyan ako ng opportunity, nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. Kasi kung hindi nangyayari 'to, hindi ko mabibilhan ng regalo si papa," sabi ni Seth na tinutukoy ang nabiling motor para sa ama. 

Ayon sa teen actor, hindi na mapapagod ang ama sa pagpunta sa trabaho, at paghahatid-sundo sa mga kapatid niyang nag-aaral. "Para sa kaniya 'yon, sa pang-araw araw para panghatid sa mga kapatid ko. Proud ako na nabigyan ko yung papa ko, at happy sila, at happy kami," masayang pahayag ni Seth. 

Pagkatapos ng kotse, at motorsiklo, isang negosyo naman para sa mga magulang ang sunod na plano ng aktor. 

"Siguro po negosyo [naman] nila mama. Para kahit [papano] mayroon silang daily income. Kasi yung swimming pool hindi naman araw-araw may lumalangoy e. So kung may negosyo sila kahit maliit, may araw-araw silang mapagkukunan," paliwanag niya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Smile 😊

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin) on

 

PHOTOS: Cast ng Kadenang Ginto, sinuportahan ang iWant horror movie nina Beauty Gonzalez at Seth Fedelin

Gumaganap bilang RJ si Seth sa digital horror movie na Abandoned, na maaaring nang mapanood sa iWant.