• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal, naging emosyonal sa paghingi ng tawad ni Iñigo Pascual

Maris Racal, naging emosyonal sa paghingi ng tawad ni Iñigo Pascual

Hindi napigilang maging emosyonal ni Maris Racal matapos humingi ng tawad ang dating katambal na si Iñigo Pascual.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/2/2019 7:05 PM
Maris Racal, naging emosyonal sa paghingi ng tawad ni Iñigo Pascual


Naging bukas sina Iñigo Pascual at Maris Racal sa pagku-kwento tungkol sa pinagdaanan nila bilang mag-love team kamakailan sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, September 2.

Nagbigay ng kaniyang reaksiyon si Iñigo sa naging pahayag ni Maris sa isang interview sa Tonight with Boy Abunda, kung saan sinabi nitong naging broken-hearted siya dahil sa singer-actor.

"I was heartbroken as well," unang pahayag ni Iñigo.

Paliwanag ni Iñigo, magkaayos na at nagkausap na sila ni Maris bago pa ang interview ng aktres sa TWBA. "Before she was in TWBA, she was actually messaging me saying good luck and congratulations, because that was two days after I left for the States."

"At that time, medyo magulo pa nga yung mga bagay bagay between the two of us, but we were able to talk about it and I'm glad of the things [for] the way they are right now," sabi ni Iñigo.

Ayon kay Maris, nitong Disyembre ng nakaraang taon nila pinag-usapan ang naging problema, na pinili na nilang hindi ibahagi. "Pinag-usapan talaga namin once and for all, sabi ko, 'Please klaruhin na talaga natin' kasi nahihirapan na rin talaga ako that time," kuwento ni Maris.

Sa parehong interview ay nagkaroon din ng pagkakataon na mag-sorry si Iñigo kay Maris. "I'm just being grateful honestly for whatever we had, I wanna say sorry."

"I mean we went through a lot together and I could never say [anything] bad about Maris no matter what happened. When people asked me anong nangyari, I always say handa siyang ibigay lahat and I just couldn't do the same and that made me sad as well. It also made me really heartbroken to be honest," ani Iñigo habang naging emosyonal na si Maris.

Hanga naman ang mga momshie-hosts sa tapang ng dalawa na pag-usapan muli ang pinagdaan.

Paglilinaw ni Maris, wala siyang 'bitterness' sa para kay Iñigo.

"Nakita ko rin na hirap din siyang magbigay kung anong kailangan sa relationship... Mas okay 'yung choice niya, 'yung career na pinili niya. Kasi hindi ba dream mo 'yon na maging international [singer], makilala as a singer sa buong mundo and I'm very happy na pinili mo 'yon actually. So walang bitterness," sabi ni Maris.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hikaw lang sapat na. Comeback is real. Sept. 13.

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

 

READ: Maris Racal at Inigo Pascual, sinagot kung magka-date sila sa 2019 ABS-CBN Ball

Bida ang dalawa sa bagong pelikula na, I'm Elenya L na isa sa mga movie entries sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019.