• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina, Melai, at Karla, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘No Homework’ bill

Jolina, Melai, at Karla, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘No Homework’ bill

Nagkakaisa ang mga Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada na may mahalagang natututunan pa rin ang mga estudyante sa pagkakaroon ng homework.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/2/2019 9:14 AM
Jolina, Melai, at Karla, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘No Homework’ bill


Photo credit: @karlaestrada1121 IG

Ilang araw matapos maihain sa Kongreso ang bagong polisiya na magbabawal mag-iwan ng homework ang mga guro sa mga estudyante, ay nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga hosts na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, August 30. 

Pabor si Jolina sa unang bersyon ng bill na magbabawal sa pagbibigay ng homework sa mga bata tuwing Sabado at Linggo. Ayon sa aktres, ang weekend na lang kasi ang magiging panahon ng estudyante para maka-bonding ang pamilya. 

"Pero okay pa rin sa akin [na may] homework, kasi natutuwa ako kapag may homework si Pele, bonding na rin namin yun e. Nagkakaroon kami ng iba't-ibang kuru-kuro doon, nagkakaroon din kami ng moments doon. Tapos nakikita ko yung progress ng anak ko. Kaya okay sa akin na may homework pa rin pag weekdays pero pag weekend, sana wala na," paliwanag ni Jolina. 

Pareho ang sentimyento ni Karla at sinabing naranasan niya ang hirap na maka-bonding ang mga anak dahil sa dami ng homework ng mga ito sa school. 

"Ako naman nakita ko talagang mahirap yung homework everyday. Kasi nagsa-suffer din yung aming quality time tuwing weekends, kung tuwing weekends ay nagho-homework pa rin sila. Umabot ako sa time na, pinanlilimos ko na lang ang aking oras para sa mga anak ko, na kailangan pa nilang mamili kungmagho-homework o sasama sa kung saan man kami magba-bonding," kuwento ni Karla. 

Samantala, may sariling opinyon naman si momshie host Melai tungkol sa isyu. Para sa kaniya maaari lang magkaroon ng homework tuwing weekends, at hindi araw-araw ng weekdays. Punto niya, kailangang magkaroon ng pahinga ang mga estudyante. 

"Mag-homework lang kapag Saturday or Sunday, kasi pwede niyang gawin ito ng Sunday or Saturday. [Kapag] everyday [kasi] -- hapon na nga siya umuwi, o gabi na nga siya umuwi, tapos magho-homework pa siya tapos gigising pa siya ng maaga (kinabukasan) sa school. 

"Gusto ko yung makapag pahinga lang yung utak niya e, importante kasi sa akin yung pag-rest ng utak. Kasi kapag hindi makapag-rest baka naman sumabog, o ma-stress na, o ma-depress na," paliwanag ni Melai. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My momshies!!!Love you mga momsh!!♥️♥️♥️

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

Nagkakaisa ang mga momshie hosts na may mahalaga pa ring natututunan ang mga anak nila sa pagkakaroon homework, tulad ng time management, at responsibility.