• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Paul Laxamana on Gerald Anderson and Julia Barretto: ‘They are kind people’

Jason Paul Laxamana on Gerald Anderson and Julia Barretto: ‘They are kind people’

Nagbigay reaksyon ang ‘Between Maybes’ director na si Jason Paul Laxamana sa kinasangkutang kontrobersiya ng mga bida ng kanyang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/2/2019 9:10 AM
Jason Paul Laxamana on Gerald Anderson and Julia Barretto: ‘They are kind people’


Photo credit: @jplaxamana IG

Nagsimula ang friendship nina Gerald Anderson at Julia Barretto nang gawin nila ang pelikulang Between Maybes na idinirek ni Jason Paul Laxamana. Ilang araw din silang namalagi noon sa Japan para kunan ang ilang mga eksena sa pelikula.

When we asked Direk Jason kung ano ang reaksyon niya na parang  sinisisi  ng iba ang pelikula niyang Between Maybes na dahilan daw para maging close sina Julia at Gerald, and eventually, mag-break sina Bea at Gerald, aniya, wala naman daw siyang kinalaman sa kung anuman ang nangyari.

“Wala naman, it was part of work,” giit agad niya sa eksklusibong panayam ng PUSH.

“Whatever they do, labas na yon sa work ko, 'di  ba? Sila dapat ang sumagot niyan. Pero ako, ano lang ako, I believe na hindi tayo masyadong dapat makihalo do’n sa problem nila, whatever it is sila ang magre-resolve niyan,” dagdag niya.

Wala ba siyang napapansing kakaiba sa dalawang bida ng kanyang pelikula habang nagsusyuting sila sa Japan?

“Well, nung nasa Japan ako I’m too busy kasi sobrang limited ng time namin. I’m too busy to even notice kung anuman ang posibleng meron, pero ayun, hindi ako yung magandang source niyan kasi busy talaga ako sa pag-iisip ng shots, pag-i-schedule ng mga eksena,” sagot niya sa amin.

Idinagdag pa ni Direk Jason na nagpaplano pa nga raw silang magkaroon ng reunion ng cast and staff ng pelikula.

“In fact, nagpaplano kaming magkaroon ng parang reunion, kami ng staff ko na nagpunta ng Japan. It just so happen na right after Between Maybes pare-pareho kaming busy. I’m doing Just A Stranger tsaka yung Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

“Julia is doing Block Z, Gerald is doing Take Life, so hindi pa namin nagawa yung reunion na yon. But we’re all good kasi they’re very kind people. They’re very kind human beings and I love them for that,” paliwanag niya.

Itutuloy pa ba niya ang reunion sa kabila ng mga nangyari?

Sagot niya, “If everyone you know is comfortable with it, why not? Kasi ako, never ko naman silang jinudge for anything and even if, theoretical lang, even if meron silang naging pagkakamali, hindi naman  ako dapat magalit  sa kanila kasi wala naman silang ginawang masama sa akin.”

Samantala, blockbuster ang huling pelikulang ginawa ni Direk Jason – ang Just A Stranger – na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Marco Gumabao. Wala ba siyang balak magdirek ng teleserye?

“Mas gusto ko sa pelikula kasi sa teleserye kain na kain ang oras mo. Kasi sa pelikula sarili kong scripit, sarili kong kuwento, sarili kong vision. Sa teleseye kasi, I have the impression na parang replaceable ako don, eh, kahit sinong mag-direk ganun pa rin yung kalalabasan. Unlike sa pelikula, may tatak mo talaga,” katwiran niya at huling pahayag sa PUSH.