• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga, sinabing importante ang grooming at “me time” sa pagpapatagal ng relationship

Alex Gonzaga, sinabing importante ang grooming at “me time” sa pagpapatagal ng relationship

Almost three years na si Alex Gonzaga at boyfriend niya na si Mikee Morada at isa sa mga sikreto ng pagtagal ng relationship nila ay ang pagbibigay priority niya sa kanyang ‘me time.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/2/2019 8:53 AM
Alex Gonzaga, sinabing importante ang grooming at “me time” sa pagpapatagal ng relationship


Photo credit: @cathygonzaga IG

Aminado si Alex Gonzaga na kasama ang grooming at pag-aalaga ng sarili sa secret ng pagpapatagal ng isang relationship. Almost three years na kasi si Alex at ang boyfriend nitong Lipa councilor na si Mikee Morada.

“Para sa akin kasi kung hindi mo kayang alagaan yung sarili mo, e paano ka mag-aalaga ng ibang tao di ba?” ani Alex sa launching niya bilang endorser ng nails and body spa na Nailsdotglow.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

It’s visit your boyfriend at work kind of thursday.. aaaaaannnd vlog! 😂

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

 

READ: Alex Gonzaga reveals plans to help more millennials through her vlog

Para kay Alex, ang relationship ay isang bagay na binibigyan ng time and effort. “You should work on it, may effort talaga. May trabaho na ginagawa. Pero kung ang sarili mo pinababayaan mo, sooner or later you will pay for that,” ayon sa sikat na vlogger at Kapamilya star.

“Dito natin makikita yung nagiging saturated ka or nauubos ka kaya mas maganda yung binibigyan mo pa rin ng time yung sarili mo,” dagdag ni Alex.

Suwerte rin daw si Alex dahil kung kinakailangan ay ginagawa nilang “date time” ni Mikee ang “me time” niya.

“And I’m very, very lucky that my boyfriend is very supportive. ‘Pag sinabi kong I want my me time. Pag parang ang tagal naming hindi nagkita, sumasama talaga siya,” kwento ng host-actress.

 

 

Nagpi-pictorial din sila sa loob ng nail spa ani Alex.  

“Nagpi-pictorial kami. Sumasama talaga siya sa mga nails rendevouz ko kasi nga pagka-minsan ang tagal naming hindi nagkita,” sabi ni Alex. 

“For me you really have to take care of yourself and you really need to have your me time, para hindi mo malo-lose ang sense of self mo as a person. Kasi kung bigay ka lang ng bigay, it will drain you. It will saturate you,” pagtatapos ni Alex.