• Home
  • Fresh Scoops
  • Melanie Marquez, proud sa tagumpay ng anak sa 2019 Miss World Philippines

Melanie Marquez, proud sa tagumpay ng anak sa 2019 Miss World Philippines

Masayang masaya ang modelo, beauty queen at aktres na si Melanie Marquez para sa naging tagumpay ng kanyang anak na si Michelle Dee.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/19/2019 12:59 PM
Melanie Marquez, proud sa tagumpay ng anak sa 2019 Miss World Philippines


Photo credit: @michelledee IG

Masayang masaya ang modelo, beauty queen at aktres na si Melanie Marquez para sa naging tagumpay ng kanyang anak na si Michelle Dee.

Si Michelle ang kinoronahan sa naganap na coronation night ng Miss World Philippines.

READ: Michelle Marquez Dee, wins Miss World PH crown

Sa Instagram, ibinahagi ni former beauty queen ang kanyang kasiyahan para sa naging tagumpay ni Michelle.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mimilanie Laurel Marquez (@melaniemarquez16) on

 

“Michelle’s victory humbled me with gratitude in my heart to everyone who believed in her, prayed for her in her journey to represent our country Philippines for The Miss World 2019 Crown in London England on December 14, 2019. Maraming Salamat po!” pahayag ni Melanie sa post.

Taong 1979 nang kinoronahan si Melanie bilang Miss International at ngayon, extrang sayang ang kanyang nararamdaman para sa tagumpay ng anak na sumusunod sa kanyang yapak ngayon bilang isang beauty queen.