Kisses Delavin, nanatiling kaibigan si Donny Pangilinan

Handa na rin kaya na ipakilala ni Kisses Delavin ang kanyang bagong ka love-team?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/19/2019 1:51 PM
Kisses Delavin, nanatiling kaibigan si Donny Pangilinan


Isa si Kisses Delavin sa mga rumampa sa naganap na 2019 ABS-CBN Ball kung saan nagbigay siya ng update sa mga dapat abangan sa kanya.

“I’m currently shooting a movie and I’m so excited,” sabi pa ni Kisses sa naging panayam.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Why here, why now?” “Why not here, why not now?” ❤️

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

 

“Well, there's going be a lot of changes,” sabi ni Kisses.

“Pero what I can say right now is, I’m thankful for my supporters and I hope they trust everything that I decide upon and I hope they’re always happy and there for me,” sabi pa niya sa panayam.

Matatandaan na kamakailan, inanunsyo ni Kisses sa kanyang Instagram ang pagtatapos ng kanilang tambalan ni Donny Pangililan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Good morning. Here is my statement regarding DonKiss.

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

 

At hindi man raw nagkikita ngayon, sinabi rin ni Kisses na nanatili silang maayos ng dating ka-love team na si Donny Pangilinan.

“I think pag-magkita naman kami, civil naman kami sa isa't isa,” sabi pa ni Kisses.