• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman, nagpasalamat sa ABS-CBN para sa ‘Pamilya Ko’

JM De Guzman, nagpasalamat sa ABS-CBN para sa ‘Pamilya Ko’

Kahit na walang leading lady, masaya si JM na naibabahagi pa rin niya ngayon ang kanyang talento sa pag-arte.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/19/2019 4:04 PM
JM De Guzman, nagpasalamat sa ABS-CBN para sa ‘Pamilya Ko’


No partner, no problem. Ito ang naging eksena ng aktor na si JM De Guzman sa naganap na 2019 ABS-CBN Ball kung saan solo siyang lumakad sa red carpet.

Kuwento ng aktor, naninibago man, mas okay raw sa kanya ngayon na mag-solo muna.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mayor Chico.😅 @mrdavidmilan @aimeegrey @chinomaniquiz @oriasstudios #bantaybata

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

 

“Kasi ‘pag may kasama ka,  bibitbitin mo ‘yung gown at ‘yung kamay, mas okay na bitbit ko lang ang sarili ko at ang sarili ko lang,” pabirong sabi ni JM sa panayam.

Dahil solo rin ngayon sa kanyang mga ginagawang proyekto, nagpasalamat ang aktor para sa mga positbong komento na natatanggap para sa kanyang bagong Kapamilya series na Pamilya Ko.

“Thankful po ako sa mga nare-receive ko na reviews especially from the management, ‘yun naman din po kasi ang gusto ko gawin at mangyari, ibigay ang best ko and to prove them na I’m grateful, really grateful for the opportunity,” pahayag pa ng aktor.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Chico. Persi. Apol. Ponky. Beri. Cherry. Peachy . Lemon. Betty. doc. Pia. ♥️

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

 

Maliban sa Pamilya Ko, isang pelikula rin sa Cinema One Originals ang pagbibidahan ng aktor, na mapapanood ngayong darating na Nobyembre.