• Home
  • Fresh Scoops
  • Candy Pangilinan, may payo kay Kim Molina kung paano sasagutin ang mga bashers.

Candy Pangilinan, may payo kay Kim Molina kung paano sasagutin ang mga bashers.

Candy Pangilinan at Kim Molina, nagkuwento kung paano sila naging magkaibigan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/19/2019 12:34 PM
Candy Pangilinan, may payo kay Kim Molina kung paano sasagutin ang mga bashers.


Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento ang mga comediennes na sina Kim Molina at Candy Pangilinan kung paano nagsimula ang kanilang friendship. “Yung first ko po na acting project, kasama ko po si Mama Candy dun,” Kim.

“Bago siya, mahiyain. So parati kong hinihila, halika nga dito…Tapos pag tinatawag… siyempre first project, abala pa sa retouch… (sabi ko) halika na dito, bilisan natin!” kuwento naman ni Candy tungkol kay Kim noong una niya itong makatrabaho at makilala.

“Parati ko siya kinakausap kasi hindi siya nagsasalita…” dagdag pa ni Candy.

Very proud din si Candy na nabigyan si Kim ng kanyang first lead role sa pelikulang Jowable kung saan isa rin sa main cast si Candy. “Very proud. She really bloomed di ba? And ang galing nakakatuwa. Nakakaproud,” ayon sa aktres.

READ: Kim Molina, sobra ang kaba sa first launching movie niya

Ano naman kaya ang masasabi ni Kim sa mga bashers niya na sinasabing hindi pa niya panahon at hindi pa niya deserve ang maging lead actress sa isang pelikula? “Wala po. Hayaan ko lang po sila,” sagot ni Kim.

Ano naman kaya ang masasabi dito ng kaibigan niyang si Candy? “Ako, kung ako ikaw sasabihin ko, well, I will prove you wrong. I was given a chance to have a lead role and I will prove you wrong because I did my best. Maybe the company itself believed na kaya ko, so I’ll just do my best,” payo ni Candy kay Kim. 

Para rin kay Candy ang Jowable ay kwento ng acceptance at affirmation ng isang babae. Gaganap siyang madre sa Jowable.

Dagdag pa ni Candy, “funny and edgy” ang pelikula na pagsasamahan nila ni Kim.

READ: Candy Pangilinan on giving birth to a child with special needs: ‘Nung time na yun ang feeling ko kasalanan ko to’