Yam Concepcion, kaiinisan sa ‘Love Thy Woman’

Ibang-iba man sa kanyang karakter na si Jade sa Halik, kaiinisang muli si Yam Concepcion sa kanyang panibagong papel sa Love Thy Woman.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/18/2019 4:46 PM
Yam Concepcion, kaiinisan sa ‘Love Thy Woman’


Photo credit: @yamconcepcion on Instagram

Ibang-iba man sa kanyang karakter na si Jade sa Halik, kaiinisang muli si Yam Concepcion sa kanyang panibagong papel sa Love Thy Woman.

 

 

Sa nasabing serye, makakasama ng aktres bilang si Dana Wong sina Kim Chiu at Xian Lim.

"Ibang-iba siya kay Jade, very different. Mayaman na ako rito,” ani Yam sa kanyang bagong karakter sa Love Thy Woman na may temang iikot sa Filipino-Chinese families.

“Pero we will see kasi I'm still getting to know the character, so dapat nilang abangan. Pero sobrang bratty-bratty niya, maiinis na naman kayo sa akin,” dagdag niya.

Agosto nitong taon nang ipakilala si Yam bilang kapalit ng aktres na si Erich Gonzales sa role.

READ: Yam Concepcion to replace Erich Gonzales in ‘Love Thy Woman’

"Technically, parang ang dating ako ang second choice,” aniya sa kaparehong panayam ng ABS-CBN News. “Pero I don't think so because she was the one who backed out naman sa show, and ako 'yung unang choice nila to portray the role. So wala naman 'yon, okay lang 'yon. At least may work.”

Bukod sa Love Thy Woman ay aabangan din si Yam sa bagong horror film na Night Shift.