• Home
  • Fresh Scoops
  • Race Matias, gustong makatrabaho sina Gerald Anderson, Piolo Pascual, Anne Curtis

Race Matias, gustong makatrabaho sina Gerald Anderson, Piolo Pascual, Anne Curtis

Hinahangaan ni Race Matias sina Arjo Atayde at Baron Geisler pagdating sa pagganap ng kakaibang karakter

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/18/2019 12:06 PM
Race Matias, gustong makatrabaho sina Gerald Anderson, Piolo Pascual, Anne Curtis


Photo credit: @andersongeraldjr, @piolo_pascual and @annecurtissmith IG

Gumagawa ng effort si Race Matas, anak ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista kay ABS-CBN producer Eloisa Matias, na ayusin ang kanyang pagsasalita ng Tagalog para hindi napapagkamalang Amboy sa showbiz.

“It’s embarrassing to admit pero my words flow smoother when English, pero kahit na Tagalog lang yung kumakausap sa akin maiintindihan ko naman yung sinasabi nila. In terms of understanding wala akong problema do’n.

“Yung pag-a-articulate ko na lang siguro ng thoughts ko in Tagalog do’n ako medyo nagkukulang pa ng konti but I’m definitely putting the effort to make sure na… Sa bahay nga hindi na ako masyadong nag-i-English, eh, kasi pati yung nanay ko, ‘Umayos ka nga, mag-Tagalog ka nga, yung audience mo Tagalog tapos English ka nang English,’” kuwento ni Race sa PUSH.

“Sana naman kahit nag-i-English ako, eh, hindi isipin ng mga tao na, ‘Ang yabang naman ng taong ito, Inglisero.’ Kaya nga po natatakot ako kasi, ‘Uy, huwag naman sana kayong ganyan.’ Wag sanang ganun ang isipin nila sa akin.

“Mahirap lang naman po akong mag-Tagalog kapag filmmaking ang pinag-uusapan kasi wala naman po akong alam with film before I went to the States, eh. As in zero knowledge, I just love movies talaga, pero yung technicalities, cinematographies, sound design, editing, lahat ng mga yan inaral ko po in English. So, pag film ang pinag-uusapan, medyo hirap ako with Tagalog for now,” patuloy niyang paliwanag.

Interesting ang klase ng role na gustong i-portray ni Race sa TV at pelikula. Gusto raw niyang mag-portray ng sira ulo o bad guy character.

Ani Race, “I prefer roles that would remind to audience how flawed human nature is, yung morally conflicted. I would gladly play a character who fully support the death penalty, mga ganun.

“This is getting political, I’m sorry. But I want to be honest, these are the kinds of characters that I enjoy, kasi there are people in the world who are like that. Wala namang taong perpekto and there are people out there who are very, very flawed but try their best to have the good intentions.”

Dalawa rin sa character actors na hinahangaan niya ay sina Arjo Atayde at Baron Geisler na parehong naging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Any role that Arjo Atayde gets, I would love to get a chance to audition for that role too. Kasi ang husay niya talang pumili with characters, very dark but very understandable yung mga roles na pinipili niya. Those are the kind of roles na I want sana.

“If you offer the role to Arjo Atayde or to Baron Geisler, I’d like to get a chance to get that role kasi character talaga yung hinahanap,” bulalas ng newbie actor na isa ring filmmaker.

Patuloy ni Race, “Si Arjo kilala ko po siya kasi sa La Salle, yung dance team ng La Salle. Kasama din siya don sa Legit Status, yung team na I competed in, kasama din siya don sa unang-unang batch ng Legit Status. So, the fact that he is acting now and he is doing such an incredible work parang nakaka-amaze.”

Eh, sinu-sino ba ang gusto niyang makatrabaho?

“I will work with anyone who takes the art seriously. Gerald Anderson is great, Piolo (Pascual) is great, the Curtis (Anne and Jasmine) are incredible  -- anyone who loves the art of acting is someone I would love to get a chance to work with,” sagot ni Race sa tanong ng PUSH.