• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata on Edward Barber: ‘Hindi ko po kaya na mawala siya at makita na may iba siya.’

Maymay Entrata on Edward Barber: ‘Hindi ko po kaya na mawala siya at makita na may iba siya.’

Inamin ni Maymay Entrata na gusto niyang maging “future boyfriend” si Edward Barber.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/18/2019 1:41 PM
Maymay Entrata on Edward Barber: ‘Hindi ko po kaya na mawala siya at makita na may iba siya.’


Sa Tonight with Boy Abunda, aminado ang sweet love team na sina Maymay Entrata at Edward Barber na mas seloso noon si Edward sa kanilang dalawa. “Dati totoo yun, ngayon pareho na kami,” pag-amin ni Maymay.

Inamin naman ni Edward na mga fans noon ang napagselosan niya pagdating kay Maymay. “Minsan may mga fans na galing sa ibang bansa na parang ang laki ng katawan… (they’d say) ‘hey Maymay, you’re so beautiful. I’m such a fan of yours,’” kwento ni Edward.

Ano naman kaya ang ginagawa niya para harangin noon ang mga fans na nagpapa-cute sa aktres. “Bina-block ko sila sa social media,” natatawang pag-amin ni Edward.

Pero nagbago na daw ngayon si Edward sabi ni Maymay. “Hindi na, kasi hindi pala talaga healthy yung jealousy,” aniya.

Kelan naman kaya nagseselos si Maymay pag dating kay Edward? “Nagseselos ako kapag nakikita ko at nararamdaman ko may something ‘tong babaeng to a,” ani Maymay. Nangyari daw ito noon sa ibang bansa kung saan may inin terview silang babae sa San Francisco. Nilinaw rin ng MayWard na wala sa industriya ang mga pinagselosan nila.

Muli ring pinaamin ang dalawa kung sila na nga ba talaga. Pero ayon kay Maymay at Edward ay, “hindi pa po.”

Nagbitiw rin ng pangako si Maymay kay King of Talk Boy Abunda kung sakaling maging sila na ni Edward. “Sir ‘pag kami man sir, ikaw ang unang sasabihan ko,” pangako ni Maymay.

Hindi rin daw alam ni Maymay kung ano talaga ang status nila ni Edward pero sinubukan niyang ipaliwanag ito. “Siguro po yung nararamdaman, kapag gusto mo talaga yung tao hindi po talaga mae-explain yun e. Tapos hindi naman kailangan ng status para maipakita sa lahat na kayo na,” umpisa ni Maymay.

“Sobrang thankful ako kay Dodong. Kung may future boyfriend man ako, gusto ko siya. At hindi ko po kaya na mawala siya at makita na may iba siya,” giit ni Maymay.

READ: #ABSCBNBall2019 sets Twitter ablaze with 2.7M tweets; Maymay most tweeted celeb

Para naman kay Edward ay “MU” sila ni Maymay at hindi niya rin kakayanin na iba ang makasama ni Maymay. “MU, Parang ganun. The only time na (ang) selos level ko (would) go through the roof, (is) if I see her with another guy,” ani Edward.

WATCH: Edward Barber interviews NBA MVP Gianni Antetokounmpo