• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano matapos ang operasyon sa daliri: ‘Everything went smoothly’

Liza Soberano matapos ang operasyon sa daliri: ‘Everything went smoothly’

Naging tagumpay at maayos ang paggaling ng mga daliri ni Liza Soberano, matapos ang operasyon niya sa ibang bansa nitong nakaraang buwan.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/18/2019 1:11 PM
Liza Soberano matapos ang operasyon sa daliri: ‘Everything went smoothly’


Naging maayos at matagumpay ang pagpapagaling ng Kapamilya leading lady na si Liza Soberano, matapos ang operasyon sa daliri nitong July sa Amerika.

Sa interview ng PUSH sa aktres, sinabi nito, "I'm doing very well. My finger’s healed properly, finally. There were no complications or anything so everything went smoothly," update ni Liza habang naghahanda para sa red carpet ng ABS-CBN Ball.

Tatlong buwan ang inabot ng break ni Liza sa showbiz dahil sa pagpapagaling mula sa natamong fracture sa daliri. Sa pagbabalik ng aktres, aabangan siya kasama ang real-life partner na si Enrique Gil sa bagong teleserye.

READ: Liza Soberano, balik bansa matapos ang halos tatlong buwan

READ: Liza Soberano after her finger surgery: ‘It will never function the same way again’

Sa parehong interview, inamin ng aktres ang mabilisang paghahanda ng susuotin para sa naturang Ball.

"Actually sobrang last minute ng outfit ko because I didn't know if I was going for the Ball or not, but me and my stylist talked and we came up with the idea of mixing the concept of Filipiniana and Barong Tagalog. So the embellishments were inspired by the Barong Tagalog," paliwanag ni Liza.

Panoorin ang buong interview dito: